I've been kidnapped/tortured!?!?

74 4 3
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N Saan kaya napunta si Misha? Ngayon nyo na

malalaman! Now na talaga xD

FaCommVo?

And Enjoy :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Misha's POV

>>>>*BLACKOUT*<<<<

A-anong ngyari? b-bakit walang ilaw? Huhu takot pa naman ako sa dilim :( 

"Ah-"                           Mag sasalita sana ako ng may nag takip ng bibig ko. Hala! sin-

=OneHourLater=

"Buti naman at gising ka na Hazel, bigla ka nalang hinimatay kanina sa gym nyo nung tinakpan ko yung bibig mo"                      Pag dilat ko ng mga mata ko, may nag salita. Teka Hazel? I-isang tao lang ang natawag sakin ng ganyan...

"O-oppa Mave?!?!"               Yes! Biological brother ko sya. Kung nag tataka kayo kung bakit kuya ko sya, well oppa ko sya sa papa ko. Kung baga anak sya ng PAPA ko sa ibang babae. Pero sa family namin ako talaga ang panganay.

"Oh bakit Hazel? Parang gulat na gulat ka ata?"              Duh! Ikaw kaya kidnapin ng sarili mong kuya, hindi ka magugulat?

"Eh bakit kailangan mo akong kidnapin? At asan ba ako?"             Nilibot ko yung mata ko sa buong paligid.

"Nandito ka lang naman sa condo ng napaka gwapo mong Kuya!"          Inabutan nya ako ng choco drink na alam nya na favorite ko

"Tss given na yun hindi ba?" 

"Haha! Yan ang gusto ko sayo ehh!"            3 months lang ang agwat namin gayun pa man Oppa ko pa din sya. Nung una hindi ko matanggap na may kapatid pala ako sa labas pero gawa ng gusto ko din na mag ka Kuya na as in biological talaga, eh tinanggap ko na sya.

"So ano nga ba talaga ang plano mo? Bakit mo ko kinidnap?"

"Ahh wala naman. Dito lang naman ako mag aaral."                

"WHAT?!?!?!?! BAKIT?!?!?!? Di ba sa isang international schoolka nag aaral?Bakit dito oppa?"    Well nung 1st year ko lang sya nakilala, nung nag txt din si Papa sakin.. Parang yung senaryo nung nalaman ko na Pinsan ko pala si DJ! Ayun tama! Ganun na ganun yung reaction at pakiramdam ko! 

"Oh teka kalma lang. Isa isa lang tanong! Haha kaka excite naman"

"Anong exciting dun?"

"Wala naman. It's just that makakasama na kita.."            Oh well, mas lalo naman namin makikilala ang isat isa kapag mag kasama kami di bah?

"Oppa naman ehh!"

"Oh bakit?"

"Ay onga pala oppa may itatanong ako sayo..."

"Yes? Ano yun?"

"Alam mo ba yung tungkol sa pinsan ko na nag aaral dito?"

"Ahh si James?"

"Kilala mo sya oppa?"

"Hmm oo matagal ko na syang kilala.. Since middle school."

"Ahhh! Wait one more question oppa!"

"Sige last na yan ha! Tapos nyan mag da-date tayo!"

"Oh sure yun lang pala ehh! Basta libre HAHA!"

"Basta ikaw! Oh ano ba yung tanong mo?"

"Paano mo ako nalabas sa school? Hindi ba kai-"                Hindi ko na natapos yung sinasabi ko.

"Malamang kumuha ako ng pass nyo sa Dean's office! Isip isip din pag may time ha Hazel! HAHA"   Sa mga sandaling iyon, hiyang hiya ako sa sarili ko. Onga naman bat di ko naisip yun! Hay nako Missy Hazel Plsam James! Utak mongo ka nanaman!

"So tara na!"                  Hinigit nya ako papalabas ng condo nya

"Teka Oppa!!!! Mag da-date tayo ng naka uniform ako?"

"Shempre hindi! Basta! Ako bahala sayo!"                      Nag smirk sya tapos tuluyan nya na ako hinigit papunta sa kotse nya.

"O-opa, akala ko ba mag da-date tayo? Bakit dito mo ako dinala?"             Nakarating kami sa isang cosmetic shop ata ito?

"Basta sumunod ka na lang!"                 Tinulak nya ako sa isang dressing room na may mga ewan ko kung sino yung mga tao na ito.

"Ha??"

"Girls kayo na bahala sakanya"                 Narinig kong bulong nya sa isang sales lady.

"Kasi naman eh! Kailangan ba talagang mag damit babae nanaman ako?"              Psh! Kung hindi ko lang sya kuya! Hinding hindi ako mag papa torture na ganito!

"Hindi bat ikaw din ang nag sabe na ayaw mong mag date tayo na naka uniform?"

"Oo nga Oppa, pero hindi ko naman sinabi na pag damitin mo ako na pang babae!"

"Oh chill! Baka kasi pag ikaw pinapili ko ng damit mo, mag mukha ka pang mas lalake sakin!

"LUL! Kung hindi lang talaga kita kuya!"

At eto na nga complete torture ang ginawa sakin. Nilagyan ng extensyon sa buhok, dress, heels and and pinaka ayaw ko MAKE UP!

Pag punta namin sa isang resto, malamang kumain kami. Nag kwentuhan tungkol sa buhay buhay at pagkatapos nag shopping ng kung ano ano. And sa wakas!

"Tara na uwi na tayo, ang bigat ng mga pinag bibili mo ehh"

"Oh sure oppa, anything you say!"

Nahiya naman ako bigla sakanya nung hinatid nya pa ako sa dorm namin, hehe pinayagan nga sya pumasok ehh! Gwapo daw kasi! Lakas ng kamandag ng Oppa ko ano?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N Sino kaya ang Oppa ni Misha? Gusto nyo

malaman?

ABANGAN

Girly Misha at the side :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

If I were just a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon