Mission : Pahirapan ang CRUSH ni CRUSH. (Edited)

1.4K 29 27
                                    

Prologue version 2.0

Minsan, napapa-fuck ka nalang sa isip mo, dahil may haliparot na dikit ng dikit sakanya. Pero nice, English yun ah, fuck daw eh.

Sa sobra nilang pagdikit sakanya, nagmumukha na silang alila ni Crush.

Minsan, napapa-iyak ka nalang sa selos. Oo, selos at iyak.

Bakit ka umiiyak at nag-seselos? Ano ka nga ba niya? Ay oo nga pala, seatmate ka lang niya.

Ano nga ba ginagawa ng isang seatmate? Diba sila yung nagpapakopya ng assignment at dinadaldal ang katabi?Dati ganoon ako, pero dahil naging seatmate ko si crush, naging tahimik at mapagmasid ako.

Lahat binago ko, pananamit, pagsasalita, lahat! Tangina, akala ko may sukli. Buong-buo ibinigay ko! Kumbaga, bumili ako ng isang candy at ibinayad ko isang libo!

Bakit ako nalang palaging umiiyak, nasasaktan at nahihirapan? Hindi ba pwedeng siya nalang? Hindi pala pwede, crush ko siya eh— mahal ko na nga ata eh. Kung hindi ko siya kaya saktan, edi yung crush nalang niya! Pahihirapan ko siya, paiiyakin at sasaktan.

--------------------------

“Punyeta, ano ba itong iniisip ko? Mission? Crush? Pahirapan? Di ko kaya, wala akong mga connections.”

“Pero puta, ang ganda ata ng idea ko, parang BTCHO lang ni alyloony, pero Kathy’s version!”

“So, Plan A, Plan B? Dagdagan pa kaya? Sama nating yung mga letters ng English Alphabet, Pati na rin yung Filipino Alphabet?”

"Ay puta, ang galing galing ng nagawa natin!"

Well, I admit, minsan masaya din palang maging kontrabida.

Mission : Pahirapan ang CRUSH ni CRUSH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon