Ang Slow Mo

68 4 2
                                    


"Hahahaha! Tin, manoood ka sobrang nakakatawa oh-HAHAHAHAH" ang ingay naman nito.

"Lahat naman tinatawanan mo e" sabi ko sa kanya.

Napatigil siya sa panunuod at humarap saken.

"Hahaha" muli tumawa ang alien na to.

"Hindi ah, seryoso kaya ako sayo" yun nga naging seryoso mukha niya.

"Seryoso? Tignan mo nga bipolar ka pa" sabay pingot sa ilong niya.

"Tigilan mo nga yan, physical harassment yang ginagawa mo saken e" inakbayan niya na lang ako.

"Whatever" i just rolled my eyes on him.

Sanay na naman ako sa pagka-isip bata nito.

Pati sa mga mood swings niya.

Nagsimula yun nung nagshare ako sa kanya ng crush ko.

Si Casper, ung ka-group niya sa Mapeh.

Sabi ko lang naman, 'uyyy, gwapo nung kasama mo kanina ah' sabay turo dun sa lalaking nasa kabilang table sa loob ng canteen.

Tinitigan niya lang ako at sinabing 'hindi ka type nun, tara na nga, nawalan na ako ng gana' nauna siyang umalis saken.

Simula nun, sobrang clingy niya na, like omaygashh, pati ba naman pagbabanyo, binabantayan ako.

Well, dumami rin kasi admirers ko, everyday, pagbukas ko ng locker, laglagan na lang ang mga milyun-milyong sulat.

At lahat yun, si Vincent ang nagbabasa.

Sabi niya, lalabo lang daw mata ko kapag binasa ko yun.

Atsaka siya daw kasi yung boyfriend ko. Kaibigang lalaki.

Ewan ko sayo--"Oy, Justine, nakatunganga ka na naman diyan, papunta na raw si Ms. Trish, tulo pa laway mo" pag-abot niya sakin ng panyo niya.

"Baliw" bulyaw ko at binato pabalik ung panyo niya.

Ngitian niya lang ako nung napakasikat niyang ngiti sa campus.

Yung halatang pilit na pilit, sabi niya hindi daw yun pilit, natural at best na smile niya daw yun.

Nakatingin pa rin ata ako sa kanya, kaya naman kinawayan niya ako at kinindatan.

Srsly. Bulong ko na lang.

Parang bata e -.-

--

Natapos naman kaagad yung klase namin.

Tiningnan ko yung relo ko, 4:45 pm.

"Tin, tara!" inabot niya sakin yung kamay niya, at kinuha yung bag ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman.

"May date tayo" sabi niya at inakbayan ako.

"May dinner kami ng family ni mama" hala! Buti na lang pala naalala ko.

"Sige hatid na kita" agad na namang nagbago yung face expression niya.

"Uyyyy, hindi ka naman kasi nagsasabi in advance e, alam mo namang kapag family gathering, hindi ako sumasama sa mga nagyayaya tsa--" nilagay niya yung daliri niya sa bibig ko.

"Okay lang, basta sa isang kundisyon" sabi niya.

"Pwe, kadiri naman yang daliri mo hindi ka nagsasanitizer" sabi ko at tinanggal yung daliri niya.

"Ano ba? Hindi mo na naman ako pinakikinggan e. Nagpapakabingi ka na naman, kaya hindi mo nalalaman yung totoo e" sabi niya at inakbayan muli ako.

Nagpatuloy kaming maglakad pauwi.

Ang Slow MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon