Efall (One shot)

7.8K 221 57
                                    

Copyright © 2013 Efall by littlemissselle | One shot story |

All Rights Reserved.

Credits to the owner of the picture used as the cover photo.

***

Sino nga ba ang dapat sisihin? Yung pa-fall o yung na fall?

Madalas sisihin si pa-fall kasi kung hindi daw siya paasa walang aasa. On the contrary, hindi naman siya magiging paasa kung walang assuming.

Bakit ko nga ba to sinasabi? Kasi leche siya. Hindi ko maamin na na-fall ako kasi naco-control ko naman ang feelings ko eh. I know my boundaries. Affected lang talaga ko sa pagiging eFall niya. Nekekeenes nemen.

Highschool kami nung una kaming magkakilala. Madalas kami magka-kwentuhan. Lalo na nung mga panahong madalas absent ang crush niya. Lumalabas din kami minsan, wala lang bonding lang. FRIENDS nga kasi kami eh.

"San mo ba kasi gusto kumaen?" tanong niya

"Pizza hut na lang."

"Osige."

Dun na nga kami pumunta at kumain. Syempre sagot niya, noh. Siya pa naglagay ng slice ng pizza sa plato ko. Kinilig naman daw ako don.

"Salamat."        

He just gave me a smile. Yung ngiti niyang nagpapatunaw sa ibang babae.

Nung nasa bus na kami pauwi, na-trip-an niya pa magpicture picture. Baliw ho kasi siya,

"Babe picture tayo." sabi niya sabay labas ng cellphone. Oo, babe tawagan namin kasi malandi siya at pumayag naman ako kasi malandi din ako. Hohohoho. Joke lang. Mabait lang talaga ako.

May iba din siyang tawag sa iba pa naming friends. Landi talaga.

"Ha? Osige."                

Pero tuwing kukuha na kami ng picture laging blurred kasi nga umaandar yung bus. Kaya natatawa na lang kami sa mga kuha. Hahaha. Muntanga eh.

Sa classroom naman ang hilig hilig niya magpa-libre.

"Babe.. may bagong tinda sa canteen."

"O gagawin ko?" sagot ko habang kumokopya ng lecture.

"Libre mo naman ako."       

"Lul. Wala akong pera."

Tinulak niya ng bahagya ang balikat ko. "Ganyan ka pag ako na nagpapalibre wala kang pera. Tsk!"

Natawa na lang ako. Ang cute niya kasi magtampururot. Hahaha.                               

Nagsasabay din kami pumasok paminsan kapag maaga kami parehong nagigising. Ako kasi tricycle lang tapos lakad andun na sa school, eh siya magjejeep pa. Hahaha.

Nagsusuklay ako ng buhok nang mag-text siya,

"Babe sabay tayo pasok." text niya                     

"Haha. Sige babe. Ayos! May taga-bitbit ako." may dala kasi akong paperbag para sa materials sa project.

Kaya ayun nagkita kami sa 7eleven. Ewan ko ba pero nung nakita ko siyang nakangiti parang ang ganda na ng umaga ko. Ang ganda na ng araw ko.

Pagdating namin sa room ayan inasar nanaman kami. Tss. Mga wala magawa sa buhay.

"Jake! Nagpauto ka dyan kay Issa?!" sabi ni John

Efall (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon