Untitled Part 8

475 2 0
                                    

Kabanata 31 - Ang Sermon


Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.

Kabanata 32 - Ang Panghugos


Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.

Kabanata 33 - Malayang Kaisipan


Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.

Buod ng Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon