Pagkatapos ng klase umuwi agad ako.
"Psst"
Habang nakahiga ako sa kama may narinig ako.
"Kelly"
Tumingin ako sa bintana. Madilim na sa labas mag aalas otso na kasi ng gabi.
Ganun nalang Ang gulat ko ng may nakita akong nakatayo doon .
Alam Kong lalaki iyon kaya lalo akong natakot.
Magnanakaw kaya ito? Rapist? Killer? O MULTO?
wahhhhh.. Ayoko. Huhu
"Wag kang matakot saakin."
Sabi Niya. Hindi ko parin masyado nakikita Ang mukha niya.
"S-sino k-ka?"
Nanginginig Kong tanong.
"Ako si Vey. Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo"
Nakangiti nitong sabi.
Tulong?
"Anong tulong?"
Taka Kong tanong.
"Hawakan mo ako"
Inilahad niya Ang kamay niya sakin.
Ha? Bakit? Anong connect nito sa paghingi niya ng tulong?
Nagtataka man ay dahan dahan Kong kinuha Ang kamay niya at nang naabot ko iyon ay hindi ko naramdaman Ang kamay niya.
Biglang tumindig Ang Balabiho ko sa katawan. Halos Hindi ako makagalaw.
Bakit Hindi ko siya maramdaman?
Tingnan ko siya ng nagtataka?
"B-bakit Hindi k-kita maramdaman?"
Nanginginig Kong tanong na nakatingin sa kanya. Ngayon nakikita ko na ang mukha niya. Maamo Ang mukha nito at bakas sa mga mata nito na parang may mali.
"Wag kang matakot. Ipapaliwanag ko sayo Ang lahat. Sana matulungan mo ako" -Vey
"S-sige t-tutulungan kita"
-Kelly
"Patay na ako. Multo na ako. Gusto ko pang mabuhay pero isa lang Ang paraan para mabuhay ako muli "
Nanlaki Ang mata ko.
"A-ano?"
"Please Kelly. Tulungan mo akong bumalik sa katawan ko"
"Bakit ako?"
"Dahil ikaw Ang nakita ko nung araw na naaksidente ako sa labas ng school!"
Napatakip ako sa bibig ko. Aksidente? Hindi kaya siya Ang lalaking laging nagpapakita sa akin?
"Ikaw ba Ang lalaking nagpakita sa akin sa may puno ng may car accident na nangyari sa labas ng school?"
"Oo! At ako din Ang lalaki na na aksidente"
Sobra akong nakilabutan. Siya? Siya ang nasa car accident?
Tinignan ko siya muli.
"Paano kita matutulungan?"
----
Pasensya na sa matagal na pag update medyo busy kasi. Hehe
Ayan! Start na talaga ng paglalakbay ni vey at Kelly. Chos!
~RIYAMI_3
BINABASA MO ANG
Im Inlove With A Ghost Man
Mystery / ThrillerWhat if ma fall ka sa isang ghost? Is it possible or Impossible? Dito natin malalaman Ang story ng isang ghost man at isang ordinary girl. "IM INLOVE WITH A GHOST MAN" .. ~Riyami_3