Nandito naman ako. (One-shot)

128 5 0
                                    

Hi guuuuuuys! This is my 5th one shot kung gusto niyo basahin yung iba, punta lang kayo sa profile ko. Welcome kayo duuuuuuuun! :)))))) enjoy.

--------------------------

Nandito naman ako, bat ka pa maghahanap ng iba?

Nandito naman ako, na nagmamahal sayo.

Nandito naman ako, hindi pa ba ako sapat?

Ako nga pala si Eric. 4th year highschool, hindi gwapo.

Sapat na sobrang ka-gwapuhan lang.

May mahal ako siya si ericka. Shhh! Secret lang naten ah?

Nandito kame ngayon sa may bench.

Kasama ko siya, syempre kinikilig ako.

Wag ka, marunong din kiligin ang mga lalake, hindi nga lang halata.

  ''Uy eric tignan mo yun oh. Ang gwapo'' sabay turo sa lalakeng wala pa sa kalingkingan ko ang kagwapuhan.

Hindi ako nang-iinsulto, nagsasabi lang ng totoo.

Nandito naman ako, bakit hindi ba ako gwapo para sayo?

  ''Oo na lang''

  ''Pag naging kame kaya, aalagaan niya ako?''

Nandito naman ako, aalagaan ka hanggang sa pagtanda ko.

  ''Ewan''

  ''Sana makahanap ako ng lalake na para saken.''

Nandito naman ako, hindi mo ba ako nakikita?

Gusto kong sabihin na nandito naman ako. Pero baka pagtawanan mo lang ako.

Kaya wag na lang.

Naalala ko noong 2nd year tayo noon, sabi ko sayo gusto kita at sinabi mo lang saken ''Ang galing mo talagang magjoke''

Nasaktan ako noon kasi parang wala kang pakielam kung magkagusto ako sayo.

Hindi ko alam na lumalim ang nararamdaman ko sayo.

 Na ang gusto pala ay parang pokemon na nage-evolve at nagiging mahal.

Minahal kita na kahit nandito lang ako sa tabi mo ay okay na.

Nasa library ako ngayon ng biglang may tumabi saken, si ericka.

  ''Hi eric. May sasabihin ako sayo''

Sasabihin mo bang mahal mo din ako?

Kasi nandito lang ako, makikinig sayo.

At yayakapin ka pagkatapos mong sabihin yun.

  ''Anu yun?''

  ''Alam mo ba, nililigawan ako ni Brye!'' masayang sabi mo.

Sobrang lapad ng ngiti mo, pero ako sobrang nabiyak ang puso ko.

Nandito naman ako, bakit hindi kita mapangiti ng ganyan?

Ngumiti na lang ako para hindi halatang nasasaktan ako.

Dumaan ang mga araw, hindi na kita masyadong nakakasama.

Busy ka kasi sa manliligaw mong si brye.

Kaya mag-isa ako sa may garden ngayon.

At nakita kita papalapit saken ng nakangiti.

  ''Uy eric, alam mo ba. Kinikilig talaga ako. Binigayan pa nga niya ako ng flowers eh''

Nandito naman ako, kaya kitang bigyan ng isang libong bulaklak na yan.

  ''Mukha ngang masayang masaya ka''

Nandito naman ako, hindi ka ba masaya pag kasama ako?

  ''Oo naman. Eh ikaw? Wala ka bang gusto?''

Meron, pero yung taong gusto ko ah hindi pala, yung taong mahal ko.

Masaya na siya, masaya siya sa manliligaw niya.

Nandito man ako sakanya, pero wala eh.

  ''Wala''

  ''Ay baket naman? Hanapan kita?''

Bakit ka pa maghahanap, andiyan ka na mismo sa harap ko.

  ''Baliw. Wag na''

  ''Hmp''

Ang ganda ganda mo talaga.

Lalo na kung nagtatampo ka, ang sarap hawakan ng mga pisngi mo.

Ang sarap titigan ng mata mo, habang sinasabi ko ang salitang ''mahal kita''.

Siguro hanggang pangarap na lang iyon.

Pero nagbabakasali akong magkatotoo yun.

Sabi nga ni anne curtis, ''Dreams do really come true''

Sana nga at magkatotoo ang akin.

Mahalin lang ako ni ericka, wala na akong hihilingin pa.

Mamahalin ko siya hanggang nabubuhay ako.

Aalagaan ko siya hanggang sa makakaya ko.

Hindi ako magsasawang sabihin na mahal ko siya araw-araw.

Ang bilis ng oras at graduation na.

Huling araw para makita ko siya.

Tumambay muna ako dito sa may garden.

Nakatingala ako sa langit, inaalala ang bawat detalye ng mukha mo.

Ang boses mo na mala-anghel.

At ang ganda mo na mala-anne curtis.

  ''Uy eric''

  ''Ikaw pala ericka''

  ''May sasabihin ako sayo''

Hindi ko alam pero parang ayaw kong marinig iyon.

  ''Kame na ni brye''

Pagkarinig ko nun, gumuho ang mundo ko.

  ''Ah, congrats''

  ''Parang hindi ka naman masaya eh.''

Pano ako magiging masaya, kung yung babaeng mahal ko hindi na mapapasaken?

Na yung babaeng mahal ko may mahal ng iba.

Nandito naman ako, bakit hindi ako?

Nandito naman ako, ako na lang ang mahalin mo.

''Masaya ako para sayo. Lagi mong tatandaan. Nandito lang ako.''

======================

Awwieee. :(( It hurts, you know?

Feel free to Comment and Vote. -R

Nandito naman ako. (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon