Ikaw at Ako at ang ating Tayo

617 3 2
                                    

Ikaw at Ako at ang ating Tayo

by: Ohoh_Natsu

Ang salitang Tayo ay binubuo ng apat na letra at kinakailangan ng dalawang tao lamang.

Dalawang tao na magbibigay ng kabuluhan sa salitang Tayo na Ikaw at Ako.

Ikaw at Ako na pinagtagpo ng tadhana para maging isa sa tamang panahon.

Tamang panahon kung saan handa na ang ating mga puso upang maging tibok ay iisa.

Tibok na iisa na ku-kompleto sa ating mahiwagang salitang Ikaw at Ako at ang ating Tayo.

Tayo na handang suportahan ang isa't-isa, mahalin ka sa lungkot at saya, tawanan at iyakan, away at lambingan.

Lalambingin kita aking mahal sa oras kung saan tampo ay umiiral sa pagitan nating dalawa.

Susuyuin kita, iintindihin kita at patatawarin kita sa oras kung saan malupit ang mundo at handa tayong paghiwalaying dalawa.

Dahil ang salitang Tayo ay hindi lang natatapos sa ikaw, ako at pagmamahal.

Dahil ang salitang Tayo ay mayroong pagsubok, balakid at pagdududa.

Pero aking mahal, isa lang ang pangako ko sa'yo.

Gagawin ko ang lahat para magtagal ang Ikaw at Ako at ang ating Tayo.


Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon