Ako

108 2 4
                                    


Ako

by: Ohoh_Natsu


Hayaan mo'ng ipakilala kong muli ang sarili ko.

Ako nga pala yung taong pinangakuan mo ng mga salitang bigla na lang naglaho.

Naglaho, oo naglaho na parang isang bula na lumilipad sa ere na bigla na lang pumutok .

Ako nga pala yung taong sinumpaan mo na aalagaan, mamahalin, ipagta-tanggol, iintindihin at higit sa lahat hindi iiwan.

Sa dami ng mga pangako mo, hinihiling ko lang na sana tinupad mo kahit yung huli mo'ng salita.

Yung hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyari.

Pero wala, sa isang iglap lahat ng pinagsamahan natin ay itinapon mo ng ganon-ganon na lang.

Na parang isang chi-chirya na binili mo sa tindahan puno ng laman, inubos at itinapon na lang kung saan.



Hayaan mo'ng ipakilala kong muli ang sarili ko sa buhay mo noong wala pa siya sa piling mo.

Ako nga lang pala yung taong kasa-kasama mo sa lahat.

Yung kasama mong tumawa sa kalokohan, yung kasama mong umiyak kapag may pinagdadaanan ka.

Ako nga lang pala yung tinatawagan mo kapag bored ka, ako rin pala yung pinupuyat mo kapag gusto mo ng kausap.

Ako nga lang pala yung gumagawa ng efforts at suprises para lang mapasaya ka.

Ako nga lang pala yung handang gawin ang lahat para sa'yo.

Ako nga lang pala yung taong minahal ka ng sobra.

Hindi ako nanunumbat.

Hindi ko kailangan ng awa.

Gusto ko lang naman na ipaalala sa'yo na ako lang naman yung tinanggalan mo ng papel sa buhay mo para gawin ang lahat ng yan.



Sa huli, hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko.

Ako ito, bumabangon mula sa pagkakadapa noong tinulak mo ako.

Mahirapan man ako sa una dahil mismong kakampi ko pa dati ang naglagay sa akin sa ganito.

Pero pinipilit kong tumayo kahit lambot ang aking mga tuhod.

Kakayanin ko kahit malalim ang sugat na aking tinamo.

Masakit oo, napaka sakit na alam kong kahit ikaw di mo kakayanin.

Pero dadating din ako sa oras na maghihilom na ang lahat-lahat.

Matagal oo. Hindi ko alam kung hanggang kailan.

Pero handa akong harapin ang lahat ng hamon na dadating sa akin kahit ako na lang mag-isa.

Masasanay rin ako na walang ikaw na katuwang ko sa lahat.

Mangyayari din yon balang araw, dahil ako, ako ay ako na matapang na aalisin ka sa buhay ko.

Kaya sa huling pagkakataon, gusto kong malaman mo na wala ng katulad ko na mag-e-exist sa buhay mo.

Dahil ako ay ako lang.

Friday, Jan. 6, 2017

Ohoh_Natsu

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon