Move On [One-Shot]

450 8 2
                                    

Six letters

Two words

Easy to say

Hard to explain

Harder to do

MOVE ON 

Sabi nila, madali lang gawin yun kung gugustuhin mo.

Madali nga ba na kalimutan lang basta basta yung feelings mo para sa taong minahal mo ng sobra?

Na isipin na di na mauulit ang masasayang alaala?

Na araw-araw gigising ka na malungkot dahil ang dating mahal na mahal ka, may mahal ng iba?

Na pilit mong tatanggapin na hindi kayo para sa isa't isa?

At umiyak na lang dahil alam mong masaya siya kahit wala ka?

Madali nga ba?

Madali lang sabihin na magmoveon,

pero once na ikaw na ang nasa sitwasyon,

yung akala mo madaling gawin,

nakakamatay pala tanggapin.

Nakakakamatay tanggapin na hindi na ako, hindi na ako ang mahal niya.

Sa bawat pagpatak ng Segundo, hinihiling ko. Na sana, na sana ako na lang ulit. Ako na lang ulit na mahal na mahal siya. Ako na lang ulit na laging nandyan para sa kanya. Ako na lang ulit na nagtitiis kahit nahihirapan na para lang sa ikabubuti niya. Ako na lang ulit na handang magpakatanga para sa kanya. Ako na lang ulit na laging handang magpasaya sa kanya. Ako na lang ulit na laging handang sundin siya. Ako na lang, ako na lang ulit...

“A-anong ibigsabihin nito Daniel? I-ipaliwanag mo nga sakin baka naghahallucinate lang ako.”  By that time, Sunday afternoon, napag-isipan kong mag-mall kasama ang bestfriend ko. Sabi kasi ni Daniel nasa Batangas pa sila para magbakasyon at bukas pa ang uwi. Pero, P-U-T-A-N-G-I-N-A, may kaholding hands ‘tong si gago sa mall habang nagtatawanan. Tangina lang ah.

“Kath tama na, pinagtitinginan na tayo ah. Hinaan mo boses mo.” Sabi sakin ng bestfriend ko.

“Anong tama na?! Teka nga Julia, sampalin mo nga ko baka nagddaydream o naghahallucinate lang ako.”

“Kath...”

“DJ IPALIWANG MO! LINTEK NAMAN OH!”

“S-sorry Kath, pero hindi ko na kaya. Hindi na kita mahal.”

“H-huh? What do you mean? A-re you b-br-breaking up with me?”

“Sorry Kath..”

“Sorry?! Sorry na lang ba sasabihin mo?! Anong akala mo ganun na lang yun?! Punyeta naman Daniel. Niligawan mo ko para sagutin kita. Minahal mo naman ako diba? Sabihin mo nga!”

“Oo, minahal kita. Pero Kath, sorry..”

“Punyeta! Puro ka na lang sorry. Anong magagwa niyang sorry mo? Gago! Wala na! Walang magagawa yang sorry mo. Kasi kahit anong sorry mo, nasaktan mo na ko. At pwede ba, ang sorry para sa kasalanang hindi sinasadya hindi sa kasalanang sinasadya naman. Putangina mo! *slaps*” Natahimik na lang siya. Habang eto namang kasama niya, punyeta tahimik lang. Wag kang maawa saking lintek ka. Humahagulgol na ko nun, habang siya wala. Hindi man lang tumulo ang luha, wala. Tumakbo na lang ako palabas habang takip takip ko ang mukha ko. Buti nga hindi ako nadapa. Sinundan na lang ako ni Julia. Punyeta kang lalaki ka! Mahal kita pero sinaktan mo lang ako. Mahal kita pero niloko mo ko.Gago amputa.

I still remember those day. Yung masaya pa kami. Yung iniintindi lang niya is yung kinabukasan namin, yung future namin. Yung masaya kami sa isa't isa...

"Ang pangit mo Wifey. HAHAHAHA. Ang taba taba mo na oh?"

"Mataba ako? Edi break na tayo!"

"Patapusin mo muna kasi ako...

Unti unti ka ng nagiging bilugan o di kaya nama'y sphere, unti unti ka ng nagiging mundo ko. Uy kilig na yan. Bati na tayo. Wag kang makikipagbreak sakin ha? Hindi ko kakayanin."

"Opo, Hubby."

Yung mga simpleng banat niya na tumatapos sa pagkaasar ko sa kanya tuwing aasarin niya kong mataba o panget.

Hindi niya kakayaning mawala ako? Eh ba't niya ko iniwan?

Asan na siya ngayon?

"Bagyo ka ba?"

"Bakit na naman?"

"Eh kasi when you left my are of responsibility, you left my heart at the state of calamity."

Heart ate the state of calamity? Parang hinde naman.

Why did he fell out of love from me? May nagawa ba kong mali?

"Hubby, wag mo kong iiwan ah? Mahal na mahal kita. Akin ka lang."

"Magagawa ko bang iwan ang taong nagging buhay ko na?"

Nagsawa na ba siya? Nasobrahan na siya sa pagiging possessive ko?

Kaya lang naman ako possessive kasi mahal ko siya, kasi ayaw ko siyang makuha ng iba.

"By, sama ko sayo sa mall bukas."

"Huh? Hinde na. Puro kami lalaki."

"Hinde nga pwede wag ka makulit. "

"Hmp"

"Next week, date na lang tayo. Okay ba sayo yun?"

Nagsawa na ba siya? Nasobrahan na ba siya sa pagiging clingy ko?

Kaya lang naman ako ganun kasi kapag hindi ako nagging ganun sa kanya, baka di ko namamalayan nasa kamay na pala siya ng iba.

Siguro nga...

Masama rin pala yung sobra noh?

Parang sa matamis o asukal?

Kapag nasobrahan, magkakadiabetes ka.

Tulad ng sa pagmamahal,

kapag sobra kayong tamis, magkakadiabetes ka.

What I mean is, kapag nagbreak, sobrang sakit. Matagal bago maghilom yung sugat na naiwan ng taong yun sa puso mo.

Eh kasi naman, bakit pa niya ko niloko. Kung hindi na siya masaya, sana sinabi na lang niya.

Why cheat? If you’re not happy, just leave. Know reason to hurt someone more by making them feel used & worthless.

Masakit kasi na malaman mo ng hindi niya sinasabi, mas okay pa yung totoo siya sayo.

Mahal ko siya, mahal na mahal ko parin siya.

Pero anong magagawa ko? Hindi na ako ang mahal niya.

Isa na lang akong parte ng nakaraan niya, hindi na ng hinaharap niya.

Mahirap tanggapin na hindi na ako, pero makakaya ko rin ‘to.

Balang araw, hindi ka na ang laman ng puso ko.

-------------------------------------------------------------------------------

 REVISED

The eff ang lame. HAHAHHAHAHAHA. Isipin niyo kayo yung ipinalit ni DJ kay Kath. HAHHAHAHA.

Vote. Comment. Follow! Fighting^^

Move On [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon