Like I'm Gonna Lose You

3.3K 98 25
                                    


(Credit to the rightful owner of cover photo by Pinterest)


Like I'm Gonna Lose You [Short Story]

I made this short story based on my experience. Yes, BH ako (broken hearted) I like Him but He never like Me back. Its hurt if you know.

Are you guys ready to read this? Let's go! Note: Para lang ito sa mga taong gusto ang taong gusto niya pero siya hindi siya gusto. At mag babago ang panahon, kaya nag bago din ang LAHAT.


Pero kung gusto mong basahin, READ IT :)  Para masaya :) 


=======================================================


Gustong-gusto ko siya simula ng makita at makilala ko siya. Noong una, naiinis ako sa kanya dahil walang ibang ginawa kundi lumiban sa klase at kapag papasok siya at madadatnang may quiz, tanong ng tanong saakin. Habang ganoon, nahuhulog na pala ako sa isang tulad Niya.


Mabait siya, matangkad, ka religion ko din ayon sa pang s-stalk ko sa kanya. Hindi man perpekto ang katawan gaya ng iba na may abs, mussel at iba pa, pero hindi naman yon ang sukatan para magustuhan mo ang isang tao diba? Nasa loob yan at wala sa labas.


Lahat ginawa ko, sundan siya kahit saan pumunta. Maging mag kaibigan kami kahit ayaw niya at nasusungitan daw siya sa akin.


Siya si Jholo. Ang lalaking gustong-gusto ko pero wala naman akong pag asa na mag kagusto din siya sa isang tulad ko.


---


***Canteen


"Coleen! Si Jholo nandiyan oh" bungad sa akin ni Jezelle pagka pasok ko sa canteen. Siya ang matalik kong kaibigan.


"Asan? Asan?" Kinikilig talaga ako kapag nakikita ko siya! Tinuro naman ni Jezelle kung nasaan. Bumibili siya kaya agad akong pumunta sa pwestong binibilhan niya at bumili din ako. Kung ano ang binibili niya, ganon din ang binibili ko.


"Gaya gaya ka talaga ever" mataray na sabi ni Jezelle. Nasa kabilang table lang si Jholo kasama mga kaibigan niya, nasa kabilang table din kami para syempre nasisilayan ko siya.


Kain lang kami ng kain ni Jezelle habang ako, sulyap ng sulyap kay Jholo.


"Coleen, si Rubie" napatigil ako sa pag kain ng sabihin ni Jezelle yon. Si Rubie ay ang nililigawan ngayon ni Jholo. Wala nga akong pake kase NILILIGAWAN lang naman. HINDI pa sila at KAMI ang bagay!


"Ano ngayon" at umirap sa kanya. Ayon sa peripheral view ko, tumabi si Rubie kay Jholo at TAAAADAAAA! Nag lalambingan sila. Ang sakit naman, ang saya ni Jholo kapag nakikita niya si Rubie.


Samantalang pag AKO, pag nakikita niya akong nakatingin sa kanya, naka buraot agad ang mukha. Yung ayaw niya yata akong makita. Minsan nga este madalas, tinatakpan niya ang mukha niya kapag nakikita o papadating na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Like I'm Gonna Lose You [One Shot-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon