Valentine Surprise [One Shot]

207 10 19
                                    

First story ko sa wattpad to  :)

Kaya sana paki-support. Salamat.

======================================

A.N.

True to life po ang story na 'to. At nangyari po ito sa akin.

Hehe. Enjoy!

======================================

Nakaupo kami sa bench ng boyfriend ko malapit sa New Building habang nakikinig ng music mula sa phone nya. Naghihintay lang kami ng next subject namin na Philippine Constitution. Wala kasi yung professor namin sa first subject namin kaya eto, tambay lang kami. And share lang, hehe, almost 1 year and 3months na kami ng boyfriend ko. Sinasabi nya sa akin na huwag na daw kami mag-celebrate ng monthsary namin kasi dapat anniversary na lang daw lagi at lagi naman akong napapangiti sa tuwing sinasabi nya yun. Biglang tumugtog na yung next song sa phone nya. Buko by Jireh Lim. Bigla siyang nagtanong sa akin.

"Gusto mo ba tong kantang 'to?" tanong niya habang nakatingin siya sa akin.

"Hmm, hindi masyado. Bakit?" sagot ko sa kanya habang nag-kibit balikat ako. Actually hindi naman ako nagagandahan sa kantang yun, actuallly I find it corny nga eh. Kasi medyo corny yung lyrics nya.

"Ahh," yun lang nasabi nya, sabay tingin sa may playground sa bandang baba. 

Mahabang katahimikan din ang bumalot sa amin noon. Well kahit ako nabo-bore din kasi ilang minuto pa hinihintay namin para sa next subject namin. Nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Medyo nagulat ako pero hindi ko na lang pinahalata sa kanya. Ni-fit ko yung mga daliri ko sa mga spaces sa pagitan ng daliri niya at hinigpitan nya naman lalo ang hawak nya sa kamay ko.

"Chams," (yes, Chams po ang tawagan namin, shorter term for "chamit" which means "kiss na matamis" na naimbento niya) at napatingin naman ako sa kanya. He looks worried, nag-alala na din tuloy ako, kaya hinayaan ko lang siyang magsalita muli.

"Paano kung wala akong maibigay sayo ngayong Valentine's day? Ok lang ba sayo?" Mas lalo pang naging worried ang mukha nya nung sabihin nya yun sa akin.

Yeah, na-disappoint ako, kasi last Valentine's day binigyan nya ako ng half dozen of roses, Cadburry chocolate na paborito ko at isang heart-shaped na unan na may nakasulat na "You touched my heart and I love you" mula sa Blue Magic. Pero naisip ko agad na okay lang naman kahit wala. Kasi every occasion meron akong natatanggap sa kanya, nung birthday ko, nung christmas at lalo na nung 1st anniversary namin.

"Ok lang, ano ka ba?" Sabay ngiti sa kanya para hindi ko maipakita na disappointed ako. 

Naisip ko na baka may pinagdadaanan siya na financial problem kaya hindi niya ako mabibigyan ng regalo sa araw ng mga puso. At naiintindihan ko naman yun kasi ayoko din na ma-spoiled dahil sa kanya. Hindi naman kasi ako materialistic na tao, kaya kahit simpleng bati na lang sa araw na yun at basta magkasama lang kami, ok na ako.

"Hindi naman kailangan na lagi kang may regalo sa akin eh. Sige ka, 'pag ako na-spoiled mo ikaw din mahihirapan," pananakot ko sa kanya.

Napatawa naman siya sa sinabi kong 'yon.

"Basta magksama lang tayo sa araw na 'yun, ok na ako chams," Nakangiti pa rin ako sa kanya habang sinasabi ko iyon.

"Eh baka mainggit ka sa mga babae na may matatanggap sa Valentine?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Sus, ano ka ba? Eh ano naman kung meron silang matatanggap habang ako eh wala? Meron naman akong 'IKAW' sa araw na yun," pagkatapos ay pinisil ko ang ilong niya. Natuwa ako kasi nakita kong nag-blush siya at biglaang umiwas ng tingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Valentine Surprise [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon