"Three months." diretsahang sabi ko kay Eugene.
"What ??" naguguluhan tanong nya.
"Maging tayo ulit. Sa loob ng tatlong buwan. Wala namang masama dun diba?? Single ka. Single ako kaya walang problema." pahayag ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. At alam kong walang ibang makakagawa nito kundi ang taong nasa harap ko lang.
"Malia alam mong kakabreak lang namin ni Bianca." tanga na kung tanga pero handa akong maging panakip butas mabalik ko lang ang pagmamahal nya. Kabayaran ko na rin siguro to para sa mga nagawa ko sa kanya nuon.
"Alam ko. At wala kong pakialam kahit na maging rebound lang ako. Gusto kong patunayan sayo kung gaano kita kamahal. Gusto kong itama lahat ng mga nagawa kong mali nuon ." naiiyak na sabi ko. Ewan ko ba. Pero sa tuwing naaalala kong ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay. Parang dinudurog ung puso ko sa sakit.
"Malia matagal na un. That was two fvcking years ago. Tapos na tayo. At hindi ako ang bumitaw sating dalawa." tama naman sya eh. Ako ang unang bumitaw saming dalawa. Kaya nasa kanya ang lahat ng karapatan para sumbatan ako.
"Alam ko. Kasalanan ko naman talaga ang lahat eh . Pinakawalan kita dahil sa takot kong masaktan pero mas masakit pala nung nawala ka. Sobrang sakit Eugene. Please . Just give us another chance. Please Eug. Hayaan mong patunayan ko sayo kung gano kita kamahal sa loob ng tatlong buwan.." at tuluyan na ngang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Masasaktan ka lang." alam ko. Pero mas masasaktan lang ako kung hahayaan ko syang mawala ulit.
"Kahit ilang beses mo pa kong saktan. Titiisin ko. Ano ba naman yun sa sakit na dinulot ko sayo nuon diba? Gagawin ko ang lahat Eugene. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako ulit . Kahit maging rebound pa ko. Kahit ilang beses mo pa ko saktan titiisin ko. Just please give us another chance." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Paano kung hindi rin to mag work ulit?" seryosong tanong nya na nagpakirot lalo sa dibdib ko. Isipin ko pa lang parang di ko na kakayanin.
"Sa loob ng tatlong buwan at hindi mo pa rin ako nakuhang mahalin. Pakakawalan na kita. Kahit sobrang sakit gagawin ko." Ikamamatay ko ang paglaya mo pero kung magiging masaya ka, masaya akong mamamatay.
"Sige. Pumapayag na ko. Pero Malia. Ngayon pa lang sasabihin ko na sayong hindi to magiging madali." Wala namang mahirap basta ikaw ang kasama ko.
"Alam ko. At inihanda ko na rin naman ang sarili ko sa mga posibleng mangyari." taas noong sabi ko.
"Well then. Let's seal it with a kiss." at mas lalong nagwala ang puso ko ng muling maglapat ang aming mga labi makalipas ang dalawang taon.