Bilog ang mundo
"I'm sorry Eug.." malungkot na sabi ko matapos kong ibalik sa kanya ang mga gamit na ibinigay nya sakin nuon. Kasama na din ang singsing na tanda ng pagmamahalan namin.
"A-ano to ?" kinakabahang tanong nya. Pinilit ko pa ring patatagin ang boses ko. Ayokong maging mahina sa harap nya.
"Maghiwalay na tayo." malamig na sabi ko sa kanya. Alam kong masasaktan ko sya. Pero tama na rin siguro to dahil mas masasaktan lang kaming dalawa kung ipagpapatuloy pa namin to.
"Mahal hindi magandang biro yan." seryosong sabi nya.
Sa makalawa na ang alis ko. Kailangan kong pumuntang Amerika para dun na mag aral sa college dahil yun ang kagustuhan ni mama. Yun ang alam ni Eugene. Nagsinungaling ako pero mas masasaktan lang siya pag sinabi ko ang totoong dahilan. Ayokong umalis pero alam kong wala akong magagawa.
I was diagnose of leukemia three months ago. Akala ko simpleng nosebleed dahil sa init lang ung nararamdaman ko pero hindi pala. Umabot na sa puntong nawawalan ako ng malay kaya dinala na ko nila mama sa hospital. Ang sabi ng doctor 50/50 ang chance of survival ko. Lahat naman siguro ng taong may cancer 50/50 ang chance.
Gumuho ang mundo ko nang nalaman ko ang tungkol sa sakit ko. Umiyak ako. Lumuhod at nagmakaawa sa doctor na pagalingin ako dahil gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama si Eugene. Gusto ko pang makasal sa kanya. Gusto ko pang isilang sa mundo ang mga anak niya. Gusto ko pang tumanda kasama siya pero lahat ng yon naglaho dahil sa sinabi ng doctor.
Rare case daw ang sakit ko kaya mas magandang sa ibang bansa kami magpagamot ni mama.