Dumaan ang mga araw at buwan na hindi na kami masyado nagkikita. Kapag sa school parang hindi kami magkakilala. Tinitext ko siya pero wala akong reply na natatanggap.
Bayaran na ng Exam. Masyadong mahaba ang pila Last day na kasi ng bayaran. Hinahanap ko yung mga classmates kong mahilig magbayad kapag last day na. Paglingon ko nakita ko si Ryan. Tinext ko kaagad siya
Mahal nasan ka?
Bakit antagal niya magreply hawak naman niya yung cellphone niya. Bigla syang umalis sa pwesto nia. Saan naman kaya yun pupunta. Susundan ko sana kaso yung magagaling kong classmates bigla akong ginulat. Badtrip tong mga to. Paano kapag inatake ako sa puso. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala na sya.
Navarro number mo. - sabi ng isang classmate ko.
Pagtingin ko, ano to? 1064 ? Srly? Hanggang gabi ako pipila? Galawang pagong pa naman dito sa school.
Habang naghihintay kami tawagin kinalabit ako ng classmate kong si Mhai.
Girl si Ryan ba yun? Diba boyfriend mo yun?Oo bakit? Walang lingon na sagot ko
Sino yung girlalu na kasama niya?
Baka classmate niya. May tiwala ako sa bf ko.
Hmmm.. oki. Close pala sya sa mga girls na nakasoul short?
Soul short? Anong itsura nun?
Ay teh. Yung kita kaluluwa.
Nasan na sila? Napatingin ako sa kanya.
Umalis na hahaha.. badtrip to ah.. pinagtritripan na naman ako nito panigurado.
3 hours na kaming naghihintay, nakakagutom maghintay.
Pagdating namin sa canteen nakita ko na naman si Ryan kasama nia yung kaibigan niyang si JC. Nasan na yung sinasabi ni mhai sa babae? tumingin ako sa cellphone ko pero walang reply galing sa kanya.
Dumaan ako sa harapan nila pero parang di nya ako nakita samantalang si JC sinusundan ako ng tingin. Sumasakit yung dibdib ko. Bakit ganun. ?
Ginabi na kami sa pila at beast mode na yung mga kasama ko. Kanya kanya sila sa ginagawa nila. Mayroong tulog na, may nantritrip ng sa ibang tao, may nagcoconcert. Anlakas kumanta wala naman sa tono feel na feel nakaheadset kasi at itong katabi kong si Mhai ayun ngumangatngat ng daliri.
Mahilig ako magobserve kaya kung saan saan napapadako yung mata ko. Pagtingin ko nakita ko na naman si Ryan, anak ng tofu. Ito ba yung sinasabi mhai na babae. Wow ah. Ansaya nila.. Naiinis na ako, palabas sila ng gate at hindi man lang ako inabalang itxt man lang.
Pag-uwi ko tinext ko agad siya
NAKAKAPAGOD NA..
Capslock para dama niya. Ilang buwan kami hindi masyadong nagkikita or nagkakausap tapos ganun makikita ko. Tumunog yung cellphone buti naisipan niyang magreply pero parang kinakabahan ako.Ok. Desisyon mo yan.
Sh*t..Masakit at nagets niya yung gusto kong sabihin.
1 2 3 4 months akong tulala simula ng pangyayaring yun. Nagvibrate yung cellphone ko. Wait lang. Kumurapkurap ako. Totoo ba to nagtxt ulit sya sa akin. Pero mas lalo akong nanghina nung nabasa ko yung message
Ano bang gagawin ko para mapasagot ko sya. Help naman. ILOVEYOU KAYCEE
ASGHDJAIDHKG.. Ano to? Nakuha niya pa akong padaanan ng GM nia. Pwes. Never mo na akong mapapadaanan at mattext magpapalit ako ng simcard. Kala ko iba sya. Hindi pala.
Iyak ako ng iyak sa likod ng COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT BUILDING. Hanggang sa may narinig akong naghahampas ng bote sa lamesa.
Bwisit to. Nagmomoment yung tao dito tapos eepal siya. Tinignan ko sya ng masama pero nagpeace sign lang sya sa akin at sabay sabing Sorry miss wala akong magawa ei. Tuloy mo lang yang moment mo.Putspa kang lalaki ka. Hoy bakit ka nandto sa building ng Business Ad. HRM ka ah. Sabi ko dun sa kupal na yun.
Sorry talaga nagtatmbol lang naman ako dito. Binibigyan lang kita ng background music para sa kadramahan mo. Ngisi niyang sabi.
sinamaan ko syang tingin at nagwalk out ako habang tawa sya ng tawa. Abnormal na yung lalaking yun.
BINABASA MO ANG
Sign
Teen FictionNaniniwala ka ba sa sign? Nanghihingi ka ng sign na sana makita mo na ang taong para sa iyo. Tama bang maghintay at umasa na sana mabigyan ka kahit isang sign lang?