HIS POVHabang naglalaro kami ng basketball dito sa court sa park na malapit sa school, natanaw ko na naman si Agatha sa may puno pero hindi siya nag iisa.
"Kev! Three points mo.. panalo na tayo!"-Ace ka-team ko sa basketball.
Napatingin ako kina Agatha, i saw them kissing ..
Shinoot ko na yung bola, sa kasamaang palad sablay!! Tsk.
"KEVIN ROMERO! What the hell is your problem?"-sigaw ni Coach
"Sorry .. pagod lang ako!"
Pagdadahilan ko, nag ligpit na ako ng gamit ko hindi kasi ako pinapaligo ni Mommy kapag pagod, baka daw magkasakit ako.
Hindi ko alam na may boyfriend pala si Agatha, hindi man lang siya nagsabi tsk. Samantalang 3 weeks na kaming magkakilala.
"Kev? Sasama ka sa Senior Prom?"-tanong ni Mark.
Senior Prom lang meron sa school namin, hindi nila sinasabay saamin ang junior. 2 weeks na lang Prom na, Sasama pa ba ako? si Agatha kasi yung gusto kong ka-date eh!
"Hindi ko alam!"
"Sumama ka na Par! Minsan lang to"-David
"tsk. Fine!"-pagsuko ko.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi, madadaanan pala namin sila Agatha.
"Don't worry! Ako ang ka-date mo!"
Rinig kong sabi nung kasama ni agatha, si Andrew pala yung kasama niya, soccer player pinaka mayabang na lalaking kilala ko sa campus.
"Sila ba ni Andrew?"-tanong ni Ace ng makalagpas kami kila Agatha.
"Ewan!"-Mark.
Obvious namang sila! Naghalikan nga kanina!!!