BAG
Minsan lang kami mag usap ng kapatid ko. Natapat pang medyo ang dami kong iniisip tungkol sa good and bad memories ko sa pagibig. lol XD
Aim: Kuya, bat mahal na mahal mo yang mga gamit mo?
*Nakita ko kasi yung bag ko na may mga langgam tas nagmadali akong alisin yung mga yun XD*
Ako: Ganon talaga. Baka kasi may kung anong kumapit lang dito sa bag ko.
Aim: Ha? Sinasabi mo? Makagat ka sana ng langgam para magising ka. (Tawa ng malakas)
Ako: Ok lang. Mas pipiliin kong masaktan na lang ako, kesa mawala siya... Mahirap e.
Aim: Baliw ka na! Di ko alam sinasabi mo.
Ako: Baka kasi masira tong bag, mahirap to palitan MAHAL! kaya ok lang na kagatin ako ng langgam. Gagaling naman.
Aim: *Slow clap* (Sabay bato ng kalat niyang Lava Cake)
Kaya ayun, medyo nalaman ko na kung bakit nilanggam bag ko, tamad tumayo yung hayupak kong kapatid. Tumatama sa bag ko yung kalat niya. XD
♥----------------------------♥
PS. Ganon talaga sa isang relasyon.'Pag mahal mo, pipiliin mo na lang na maging maayos at ayusin ang lahat kahit na alam mong masasaktan ka pa.
BINABASA MO ANG
UCC Secret Files
General FictionUCC Sercet Files .. Do you Dare to Share your Secret ?