Ang Probinsyana

31 1 0
                                    

*splashhhh*
Wahhh! Ang lamig ng tubig! Kasalukuyan ko ngayong hinaharap ang isang dagok sa buhay ng isang istudyante, Ang Paliligo. Oo. Ang paliligo.

Alam naman nating lahat na di pa uso sa probinsya ang heater, kung mag papakulo ka naman ng tubig kailangan mo pang mag-sibak ng 1 oras para mapakulo ang kakarampot na tubig. Hay nako!

"Inay! Pakuha ng tuwalya! Di ko lang po nadala!" Ba't ba kase lagi kong nakakalimutan ang tuwalya?

"Anak ng! Kyra sa susunod makukurot na kita! Ilang beses mo pa ba makakalimutan ang tuwalya mo!"

Kahit na may sermon na naman ako galing kay inay,masaya kong inabot ang tuwalya.

Bago ang lahat ako nga pala si Kyra Lalaine De Guzman, Simple, mabait,masipag at mata......... Matalinaw. Di ako matalino. Simpleng 4 x 8 di ko pa ma solve ng mabilis.
Syempre kapag ganyan kailangang idaan sa sipag. Kaya kahit di ako matalino nakakapasa ako. 18 years old na ako. Dapat nga college na ako kaso wala kaming pera. Kaya ngayon 4th Year Highschool palang ako sa isang public school ang ******* national Highschool.

Yan muna ang sasabihin ko sa inyong impormasyon. Kase baka ma-late pa ako.

Habang nagbibihis ako biglang sumigaw si Itay.
"Kyra! Bilisan mo! Ihahatid pa kita sa kabilang baryo."
Ngayon ko lang naisip, ba't ang hilig naming sumigaw? Hehehe! Never Mind.

Mabilis lang akong kumilos kaya 5 minuto ay tapo7s na ako sa mga pag-aayos ko.

Ang suot ko ngayon ay ang bago kong damit na binili pa namin sa ukay-ukay at isang pantalon na 3 taon ko nang ginagamit. Teka? 4 na taon na ata eh. Basta! Para sa amin swerte na kapag nakabihis ka ng pang-alis kase yung iba kong kaklase pambahay lang yung sinusuot, buti nga nakabili pa ako ng bakya. Hay nako! Ang hirap talaga ng buhay dito! Kaya sana maka graduate na ako!






A/N : guys! Whatzup! Sana magustuhan nyo itong story ko. Actually first story ko ito dito sa watty. Salamat ! Love you all. Be a fan! Vote and Comment your suggestions. Bye

Probinsyana in the cityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon