Ayan na siya. Teka, maayos ba ang buhok ko? Okay na ba itsura ko? Hindi na ba ako mukhang sabog? Kumakabog ang aking puso habang siya'y papalapit. Bakit ganon? Kung kailan nagpasabog ang Panginoon ng kagwapuhan ay sinalo niya lahat. Nakaka-inlab talaga ang ngiti niya.
Biglang nagring na ang bell. Sa wakas! Tapos na rin ang klase namin, hehehe. Sana makita ko siya. Alam mo yung feeling na may crush kang crush din ng bayan. Hays, bakit kasi naging gwapo ka pa? Pwede bang sa akin ka lang gwapo? Hahahaha, hindi na ako 'to! Maghunos dili ka Sandy.
Nandito kami ngayon sa landing, nakagawian na namin ng aking mga kaklase na magstay dito. Kadalasan kasing may mga practice sa MAPEH sila. Oo, sila lang kasi sa school namin kapag may sinalihan kang organisasyon sa isang subject ay exempted ka na. Saka less hassle na rin, dami nilang ginagawa eh. Hahahaha. Bad Sandy.
Dahil nga may practice sa Music ang mga kaklase ko, nakikilapag lang ako ng bag. Mamaya pa kasing alas kwatro ang sinalihan kong org.
"Sandy." Tawag sa akin ng aking kaklase habang ngumingiti ng nakakaloko. Paulit-ulit nilang binabanggit ang aking pangalan. Ako ay mabilis tumalikod, tumakbo sa isa ko pang kaklase at doon nagtago. Paniguradong namumula na ang aking mukha na parang kamatis. Kung kailan nagtatanong ako sa kaklase ko tungkol sa pag-ibig thingy, bigla bigla na lang siya sumusulpot.
Inangat ko ang aking mukha at pasalamat na siya ay nakaakyat na. Tuwang tuwa nga ba ako? O kinokontra ko lang ang aking nararamdaman?
Sa totoo lang, nakita ko siya eh. Tahimik lang ako naglalakad ng mabilis kaso napansin pa ng mga kaklase ko. Aish! Pero ang gwapo niya pa rin kahit may hawak siyang walis na mahaba. Kasali kasi siya isang contest dito sa school namin, kailangan ng bawat contestant na maglinis sa isang parte nito. Pagkatapos, papacheck mo sa in charge ng contest na iyon.
Ako ay nagpatuloy na sa aking gawain. Kaiatress ang math ah! Gets ko naman kaso hindi ko talaga bet yung lesson namin. Tinignan ko ang aking relo. Alas tres y media na pala ng hapon. Tinapos ko ang ilang mga takda habang may ngiti sa labi. Hindi maalis sa aking isipan na aking siya'y nakita. Alam mo iyong pakiramdam na makita mo lang ang crush mo ay buo na ang araw mo.
Nagiging makata na ako. Hahaha! Aking iniirog. Lol.
"Groufie tayo guys!" Masayang alok ni Anne.
Hindi ko mawari bakit ngumiti na naman ng nakakaloko ang aking mga kaklase. Tumingin ako sa kaliwa at siya'y aking nakitang pababa ng hagdanan. Ayoko na! Kinikilig na ako. Sabay kaming nagkatingin at ako'y umiwas agad. Di ko na alam kung anong itsura ko sa litrato. Ang alam ko, tinakpan ko ang aking mukha.
Rinig ko ang pang-aasar ng aking mga kaklase. Damang-dama ko, alam na niyang siya'y aking gusto. Minamahal kong lupa, lamunin niyo na ako. Pag-angat ng aking mukha ay ngumiti siya at lalong lumakas ang hiyaw ng aking mga kaklase.
Jusme, ang haggardo versoza na ng fezlak ko! Huhuhuhu.
"Be! Ngitian ka niya!" patiling sabi ni Louise. Sakit sa tenga ah. Sus, kinikilig ka rin Sandy eh!
"Kopkop ka!" natatawang sabi ni Joyce.
Ganda nila diba?
Ngunit tumingin ako sa aking likod at nakita kong namula ang aking kaklaseng babae. Ngumiti ako ng mapait at tumakbo kung saan wala sila habang tumutulo ang aking mga luha.
~~
Thank you Sacchii Nagsulat ulit ako kahit one shot. Mwehehez. Mwahugs! ❤