*Prologue

18 1 0
                                    

+PROLOGUE+
--------
Hindi ko alam kung nasaan ako, nag-iisa lang ako dito sa kawalan. Sa di kalayuan may nakita akong babae na nakaupo sa isang upuan. Isang magandang babae. May hawak syang isang picture frame. Lumapit pa ako sa kanya. Nang magkatapat na kami, ay tumingin sya sa akin.

"May isang tao na magbabalik mula sa iyong nakaraan na magbabago ng iyong kasalukuyan at magpapaganda ng iyong kinabukasan"

Tapos inabot na sa akin yung Frame, at bigla na lang syang nawala. Hinanap ko sya pero wala talaga. Bakit nya inabot sa akin toh?

Tiningnan ko yung hawak kong picture frame at nakita ko dun ang dalawang bata. Isang batang babae at isang batang lalaki.

Pinagmasdan kong mabuti yung larawan at napasin kong ako ang batang babae at ang batang lalaki ang taong hinahangaan ko simula pagkabata. Si Steven Relleve.
---------
Napabangon ako bigla. Isang panaginip. Panaginip lang pala. Pero ba't parang weird?

Anyway nag-ayos na ako para sa pag-pasok ko sa school at bumaba na para kumain. Sumalubong naman sa akin si Mama.

"Nak bumalik na raw yung kababata mo? Si Steven? Naaalala mo pa ba?"sabi nya.
O_O
Ako si Alexandra Suarez. At ito ang kwento ko.

*********

Childhood MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon