+EPILOGUE+
Birthaday ko na, March 20.
Ngayong araw nangyari yun. Tuwing birthday ko napunta ako dun sa paraiso na tinuro sa akin ni Steve.
Umupo lang ako sa ilalim ng puno. Sa likod nito para kung may maghanap sa akin kunwari wala ako.
Tahimik lang ako hanggang sa may dumating. Sa tingin ko isa lang sya.
"Lexy..."
Nagulat ako sa boses na yun. Sya yun, si Steve.
"Happy Birthday, Lexy. Ilang buwan na din nung huli kitang nakausap. Nakipagkilala pa nga ako sa'yo kasi parang nakalimutan mo na ako. Sa tingin ko nakalimutan mo na talaga ako. Pero ako, Lexy. Ako pa rin naman si Steve eh. Alam mo ba, binalikan na kita. Bumalik ako para sa'yo." sabi nya.
Alam kong umiiyak sya ngayon. Masakit marinig ang mga iyak nya. Pero, binalikan nya daw ako?
"Sorry kung nasabi ko yun. Hindi ko naman ginusto yung mga sinabi ko eh. Nadala lang ako ng galit, inggit at selos ko. [Selos? Inggit? Galit?] Alam mo ba yung feeling na may kasamang iba yung taong mahal mo? Ayun eh. [Mahal? Ako?] naalala mo pa ba si Gerald? Nakita ko yung pag-aabot nya ng regalo sa'yo. Kumpara naman sa regalo ko, sobrang ganda nun. Kaya na-inggit ako. Tapos na-selos din ako, kasi diba? Crush mo si Gereld? Siguro tuwang-tuwa ka nun? [Onti.] Dagdagan mo pa ng galit. Galit ako sa sarili ko kasi tinago ko ng ilang taon yung nararamdaman ko sa'yo. Galit kasi dapat umamin na ako, para ako na lang yung crush mo. Ganun. Kaya ko nasabing wala akong kaibigan, na hindi kita kaibigan. Kasi hindi naman talaga kaibigan ang turing ko sa'yo eh. Ikaw yung taong mahal ko, Lexy. Tandaan mo yan." sabi nya ng may pasinghot-singhot pa.
"I'm even talking to a tree now. Sobrang hopeless ko..."sabi nya. So ayun yung kinakausap nya.
Naramdaman kong paalis na sya kaya tumayo ako. Naiyak na din kasi ako. At may sasabihin din ako sa kanya. Pero hindi ganun kahaba!!
"Steve..."
Napatigil sya sa paglalakad.
"Mahal din kita Steve. Tandaan mo din yan."
Lumingon sya sa akin sabay tumakbo at niyakap ako. I smiled.
=END=
Steve + Lexy = Sexy!!!
~~~~~~~ANNOUNCEMENT~~~~~~~
IT'S A TRUE STORY!!! CHOS~ HINDI JOKE LANG!!
BINABASA MO ANG
Childhood Memories
Teen FictionIsang normal na High School student lang naman si Alexandra. Pero nagulo ang kanyang 'Peaceful' na buhay nang magbalik ang kanyang CHILDHOOD BESTFRIEND. Na syang sumira sa buhay ni Alexandra, walong taon na ang nakalilipas. Ano na lamang ang mangyay...