Chapter 3

11 0 0
                                    

Nina's POV

Hay! Monday nanaman kaya ang daming stupidyante ngayon. Tuwing monday lang naman kase pumapasok yung mga karamihan sa estudyante dito. Pagdating ng tuesday, wed hanggang friday, nako sigurado wala na. Mga tamad ng magsipasok. Tsk palibhasa mga walang awa sa magulang. Mga spoiled. Sigurado pagdating ng tue sa Bar na pumapasok yung iba kapag pangalan ng mga alak ang tanong sa exam nako, sigurado perfect! Buti nalang ako kahit hindi kagandahan atleast nag aaral ng mabuti. Bakit kapag nakatapos ako ng pag aaral at nagkatrabaho pede naman ako magparetoke? Huh?! Saka---

*beep *beep

Oh nagtext ang yelo kong kaibigan.

Aj: Sabay tayo.

Me: Sige. Tamang tama malapit na ako sa school. Sa gate nalang kita hihintayin. Bilisan mo ah, ayoko mag intay nakakabawas ng beauty.

send!

*beep *beep

Aj: k

Anak ng? Grabe talaga tong magreply! Malanovela yung akin tas yung reply nya isang letra lang. Maiiyak ka nalang kung magrereply sya sayo ng 10 letters. Psh. Pambihira talaga.

Maya maya nakarating na din ako sa school.
After 5 minutes dumating na si Aj.

"Aj!" kumaway ako para mapansin niya ako. Malabo na kase ang mata niya kaya nakasalamin sya. Ang taas nga ng grado di kinaya ng mata ko ng subukan kong suotin yung salamin niya. Nang mapansin niya ako, agad syang lumapit.

"Let's go" sabi niya.

Excited naman to lagi pumasok.
Teka? Di ba sya kinakabahan? Ngayon na sisimulan ni Ivan yung mga plano nya ah?

"Teka Aj, di ka ba kinakabahan pumasok ngayon? Ngayon mag uumpisa si Ivan mamahiya sayo ah? Kase naman bessy! Kinalaban mo pa yun! Nag aalala tuloy ako sayo" Nalulungkot ako tuwing naiisip ko yung masamang plano ni Ivan kay Aj.

"Why would I get scared of him?" walang emosyong sabi ni Aj. Pambihira wala man lang bakas ng takot sa mukha nya. Tuluyan na nga ata syang naging manhid dahil sa nangyari sa kanya dati.

"Hindi mo sya kilala bessy, kahit babae ka kayang kaya nyang saktan. Pls, magsorry k nalang sa kanya" nag aalala na talaga ako kay Aj. Alam kong malabo na magsorry sya kay Ivan pero baka lang naman matauhan sya.

" Bakit ako magsosorry sa kanya ako ba may atraso? Kung tutuusin mas dapat kung sya ang magsosorry hindi ako"
Inis na sabi ni Aj.

Sabagay oo nga. Pero, si Ivan magsosorry? Mas malabo pa sa mata ni Aj na mangyari yun.

"Oo nga pero... Haayyst! Bakit ba kase yun pa nakabangga mo eh? Psh. You don't know him. He is a heartless jerk. Nag aalala lang ako sa mga pamamahiya na gagawin nya at sigurado ako na planado na lahat yun."

Bakit ba kase sa lahat ng estudyante ito kaibigan ko pa? Naaawa ako sa kanya kase ilang beses na syang nasaktan dati tapos eto nanaman.

"Even an asshole has weaknesses. We're both human who can feel pain so, I think I should know his weaknesses to defeat him."

Ano? So, binabalak nya talagang kalabanin si Ivan?!

"Kung binabalak mong lumaban, please shake it off"

Naisip ko tuloy yung kanta ni taylor swift. Hihi. Okay. Seryoso na.

"No. He wants a war then I'll give it to him."
Sabi ni Aj. Kitang kita sa mata nya ang determinasyon.

"pero bessy...."

"No buts. I know what I'm doing. Don't worry about me I can handle it. In fact, there's a lot of things happened in the past that indeed shattered me whole. I've been drowned by my own despair. That's why I promise myself to be a new one, a strong me who can beat the pain. So, I wont give up now. Not now, not anymore. Buong puso sabi ni Aj.

"Kung may magagawa lang ako bessy" sabi ko.

"okay lang. You should be the one who stay away from him. Ayoko madamay ka dito".

Magsasalita pa sana ako pero nandito na pala kame sa room. Malamang tahimik nanaman si Aj. Kilala ko sya hindi sya basta basta nakikipag usap.

Napansin ko na nandito na din pala sila Ivan. Kinabahan tuloy ako.

"Look who's here? The fearless girl. Hahaha" sabi ni Carl.

"Mukhang magiging masaya nanaman abg araw ko ngayon. Bagong target! Astig" sabi kiro.

Kinakabahan na talaga ako. Pero si Aj poker face lang. I looked at Ivan's face. He's smirking. Mas lalo akong kinabahan.

Di ako mapakali, ano kaya mga nasa isip nung mga to? How I wish I can read what they're thinking. Psh.

Dumating na yung teacher namin sa physics. Nag umpisa na ang teacher naming magdiscuss. Napatingin ako sa gawi nila at ano pa nga ba inaasahan ko sa mga to? Mga tulog nanaman si Ivan naman nagce-cellphone lang. Psh palibhasa takot sa kanya mga teacher dito.Psh. Makikinig na nga muna ako. Madali lang naman lesson ngayon about convex and concave mirror. Kapag naiisip ko yung mangyayari mamaya, kinakabahan ako ng sobra. Sana po walang mangyari masama kay Aj. Pagtingin ko kay Aj tahimik lang sya nakikinig.

Kainis naman kase si Ivan. Sayang ang hot at gwapo pa naman nya kaya ko sya naging crush! Hihi. Kaso ibang usapan na to bestfriend ko na ang involve dito. I-set aside ko muna tong kabaliwan ko kay Ivan. Ang kelangan kong isipin si Aj. Ano kaya pinaplano nila? Sana naman magkaroon sila ng puso kahit ngayon lang. Ngayon labg sila mamamahiya ng babae and what is worst, bessy ko pa. Siya kase ang ka una- unahang kumalaban kila Ivan.

"Hoy bakla! Lumayas ka dyan papatong ko paa ko nangangawit ako!" sabi ni Carl.

Psh. Salbahe talaga. Nabudburan lang ng 3 butil na kagwapuhan kalamo na kung sino.
Nagmadaling tumayo si Nash at naghanap ng bagong upuan.

"psst! Bakla! Tara dito masahihin mo nalang sentido ko para may pakinabang ka sa mundo" sabi ni Kiro.

Imbis na mainsulto si Nash parang mas natuwa pa sya. Nagmadali syang pumunta sa pwesto ni Kiro.

Akala mo naman nakinig kanina sa Physics. Kung makasakit ng sentido feeling nag isip kanina. Psh!

"Ano ba?! Sabi ko sentido hindi yung mukha ko! Dun ka na nga! Kadiri ka! Tss!" inis na sabi ni Kiro.

Hahaha! Sabi ko na may pagtingin si Nash kay Kiro! Yan ang arte kase ng lalaki na to.

"Hey guyys! Wala daw si maam ngayon! Woooh!" sabi ng monitor namin.

Psh. Mga tuwang tuwa nanaman sila. Mag gagala nanaman sa Bar.

"Tara na Aj. Sabay na tayo"
Sabi ko.

"Mauna ka na. May gagawin pa ako" sabi nya habang nag aayos ng gamit.

"pero...."

"I said no buts. Nina please. Umuwi ka na. At.. Mag ingat ka"

"eh? Sigurado ka? Paano kung....."

*death glare

"sabi ko nga mauuna na ako. Hehe ingat ka bessy" sabi ko bago lumabas ng room.

Kinakabahan na talaga ako sana walang mangyari sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Heartless meets Ms. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon