Paumanhin (ika-sampung tula)

1.3K 8 0
                                    

Hi naalala mo pa ako?
Langyang tanong malamang oo
Mahal mo pa ba itong nagsulat nito?
Haha wag mo na palang sagutin masasaktan lang ako

Pasensya na kung nasaktan kita
Ganun naman sa pagmamahal diba?
Pero pag mahal lahat makakaya
Di mo naman kaylangan sumuko, sinta

Sa aking mga nasabi
Alam ko hindi sapat ang salitang "sorry"
Pero sobra akong nagsisisi
Dahil oo, iyon ay maling mali

Ako din ay nasaktan
Ilang beses mata'y nagkaluhaan
Kahit ganun, ikaw ba'y aking sinukuan?
Hindi diba? Ako nama'y pinapasaya mo naman

Hindi ko alam kung ba't ko ba to ginagawa
Alam ko namang walang magbabago sa'ting dalawa
Pero kahit ganon ay di ako magsasawa
Ewan ko ba, sana nama'y ikaw ay matuwa?

Pasensya, di ko na alam ang gagawin ko
Hindi talaga ako marunong sumuko
Pero kung ito ang gusto mong gawin ko
Pasensya hindi pwede, makulit ako

Mahal kita talaga
Sinabi mong mahal moko, ako'y nagtiwala
Anong gagawin ko? Kalimutan nalang ba?
Paumanhin ulit, hindi ko kaya.

Para sa mga Nasaktan (MGA TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon