"Kuya, kuya Richi! Kuya!" Pagtawag sa'kin ni Jairen mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ko siya pinapansin hanggang sa narinig ko nalang na bumukas yung pinto 'tsk! Kinuha niya kay mama yung duplicate key!'
Tumalikod ako sa kanya.
"Kuya, bakit hindi mo sinabi sa akin na hiwalay na kayo ni ate Mica?!" Masungit niyang tanong.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa itulak niya ako paharap sa kanya "Kuya!!!"
"Ano?!"
"Bakit ba kasi kayo naghiwalay ni ate Mica?!"
"Nag mahal na siya ng iba ..... "
"Kuya! Bakit basta mo nalang siyang binitawan?! Bakit ka ba ganyan?! Hindi man lang kita nakitang umiyak. Kuya, sabihin mo nga sa akin ... Minahal mo ba talaga siya?!"
"Hindi porket hindi ako umiyak Jairen ibig sabihin hindi ko siya minahal. Pero bakit ko pa ipaglalaban ang wala na? Para saan pa kung umiyak ako? Kahit umiyak pa ako ng dugo dito, wala naring magbabago kung siya na 'yung unang bumitaw at mas lalo na kung ngayong may mahal na siyang iba!"
Tama naman ako diba? Pero 'yung sinasabi nilang .... Kung mahal mo ipaglaban mo ... Tama nga ba?
Tama parin bang mahalin mo pa rin yung taong may mahal ng iba?

BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
Romance"I can hide the pain that I feel and make other think that I can move on. But I can never deny the truth that the person who hurt me ... is still the same person I wish to love me" -Richi Ponferrada