"Richi!" Pagtawag ni Warren mula sa pinto.
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba "Anong ginagawa mo dito?"
Hinagis niya sa'kin yung bag ko. Oo nga pala nakalimutan kong iuwi kahapon "Thanks"
"Your welcome! Si Jairen? Okay na ba siya?"
"Haay! Kapatid ko nanaman!"
"Nag-aalala lang ko sa kanya no. Nasa kwarto niya ba siya?"
"Oo, nagpapahinga na. Wag ka ng mag-alala hindi na ganun kataas 'yung lagnat niya"
"Ang strict mo talaga pagdating sa kapatid mo ano"
"Malamang mahal ko kapatid ko"
"Ako rin naman mahal ko kapatid mo, hihi"
"Tsk! Warren gusto mong makatikim ng suntok?"
"A-ah! W-wag na. Busog na ako. By the way, sayang hindi mo nakilala 'yung girl. Ano, gusto mo bang sabihin ko 'yung pangalan sa'yo?" Sabi niya na may mapang-inis na ngiti halatang may kapalit pag sinabi kong oo.
"No thanks. Malalaman ko 'rin naman 'yan sa lunes no"
"Sayang!"
Kinuha ko na 'yung hinanda kong isang bouquet ng bulaklak kanina.
"Hoy! Sino liligawan mo?!" Tanong niya.
"Wala akong liligawan, idiot. Pupunta ako sa puntod ng lola at lolo ko"
"Woah, kala ko naman may liligawan ka. Oh siya ako nalang muna ang magbabantay kay Jairen"
"HIN.DE. Sasabay ka na sa paglabas sa'kin at uuwi kana"
"Ang strict talaga ni Kuya"
Lumabas na kami parehas.
"O-oy, R-Richi!" Pagtawag sa'kin ni Warren.
"Ano?"
"H-hindi ba 'yun si--" bitin niya pang sabi.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko na 'yung tinuturo niya. Yung babaeng gusto kong makilala.
"Sino?" Painosente kong tanong para masabi niya yung pangalan.
"Yung kaklase natin. Kuya kala mo maiisahan mo ako no? Genius din ata 'tong future brother in law mo. WHAHA!"
"Future brother in law ka diyan. Alis na ako 6 na baka lalo pa akong gabihin"
Then iniwan ko na siya, hindi ko na pinansin 'yung girl dahil baka lalo pa akong gabihin.
Naglakad na ako sa East Forest kung tawagin nila. Oo gubat, dun napili na magpalibing nila lolo at lola mahalaga daw kasi yung lugar na 'yon sa kanila.
Time skip!
After kong ilagay yung bulaklak nagdasal ako then naglakad na pabalik.
Nasa kalahati na ako ng paglalakad ko nung biglang umulan ng lakas.
Tumakbo na ako dahil wala naman akong makitang pwede kong pagsilungan, GUBAT nga diba? Mapuno.
Hanggang sa napatingin ako sa kanan ko at natanaw ko ang isang maliit na kubo .. Lumiko na ako para sumilong muna.
Paglagpas ko sa isang puno bago ang papasok sa kubo napahinto ako nung may makasabay akong babae. H-hindi lang siya basta babae. S-siya yung babae na gusto kong makilala.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
Romansa"I can hide the pain that I feel and make other think that I can move on. But I can never deny the truth that the person who hurt me ... is still the same person I wish to love me" -Richi Ponferrada