Hugot #3:

14 0 0
                                    

"Ang pagseselos ba para lang sa may karapatan? Hindi ba pwede sa mga may nararamdaman?" From Jennifer Yabes

__Magselos? Normal lang yan. Kung ang magmahal pwede sa

lahat sa pagseslos pa kaya? Hindi porket wala ka sa sitwasyon
ng may karelasyon, hindi mo na pwedeng

maramdaman yung pwedeng maramdaman nila. Pero kung

tutuusin, malaki lang yung pinagkaiba sa pagseselos mo ng

may karapatan at pagseselos mo ng may nararamdamn.

Hindi sila magkapareho, malaki ang agwat. Kung sasabihin

kasing NAGSESELOS PARA SA MAY KARAPATAN, sabihin

may puwang siya sa buhay ng taong iyon. Yung tipong

mahalaga rin siya, may karapatan rin siya sa buhay nito.

Pero kung sasabihin naman nating NAGSESELOS PARA SA

MGA MAY NARARAMDAMAN, siguro isa ka lang sa

humahanga sa kanya. Sige, sabihin nating wala kang

karapatan dahil una, ANO KA BA NIYA?syempre hindi naman

natin maiiwasan magselos kaya nadadala na lang tayo sa

kung ano nararamdaman natin, hindi natin naiisip kung saan

lang pala tayo. Pangalawa, MAY KARAPATAN KA KUNG MAY

PUWANG KA SA BUHAY NIYA, ibig kung sabihin naging parte

ka ba ng pagmamahal niya? Kung kaibigan ka man niya sa

buhay niya, may karapatan ka bang magselos? Hindi naman

sa pinupunto ko na WALA KA NG KARAPATANG MAGSELOS,

ang gusto ko lang sabihin, isipin mo kung saan ka lulugar sa

pagseselos. Yung tipong alam mo yung limitasyon mo kasi

ANO KA LANG NAMAN KAYA SA BUHAY NIYA? Isang

tagahanga?, isang nagkakagusto sa kanya? Kung yun ka lang

pala, may karapatan kang magselos pero hindi sa puntong

pupuntahan mo na rin para kalbuhin yung pinagseselosan

mo, DAHIL ANO KA NGA PALA ULIT?

**********
Vote-Comment-Share

Comment down:))
Follow your author in your life.!:))

Waiting for your questions here.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your PROBLEM and my HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon