Naiinggit ako sa mga babaeng nakakalapit sayo...
Sa mga babaeng close mo..
Kasi ikaw yung tipong lalaking masungit pagdating sa mga babae.
Hindi ka naman mabait... Hindi kanaman gentleman...
Naalala ko pa nga yung sinabi mo sa mga kaibigan mo na narinig ko...
Sadyang chismosa lang kasi ako
Sabi mo nga diba 'ayaw kong masyadong gumawa ng maganda sa babae kasi ayokong maging paasa'
Marami kasing babaeng nagkakagusto sayo..
Isa na ako dun..
Isang araw nga nagbukas ako ng fb
Profile mo kagad yung bumulaga saakin
Profile mong may nakalagay na 'in relationship'
Ang saya nun
Ang saya saya sarap magbigti.
Kinabukasan kalat na sa school... Sikat ka kaya
Nakita kita kasama yung swerteng babaeng napasayo..
Si Yhoula pala.
Yung babaeng mayaman , sikat at maganda
Expected na yun ng karamihan.
Pero hindi ko maiwasang masaktan.
3 taon na kaya kitang minamahal ng patago.
Pero malas ko lang kasi yung taong mahal ko eh yung sikat na lalaking alam kong langit at lupa yung pagitan namin.
Tinry ko naman mag move on eh
Kaso wala talaga... Hindi kita kayang kalimutan
Nadagdagan nanaman ng taon ...
Going strong pa ata kayo ni yhoula..
Congrats ah!
Pinunasan ko yung mga luha ko...
Akala ko kapag nakagraduate ako ng highschool di na kita makikita...
Pero nandito lang naman ako sa school na pinapasukan mo..
"Bakit ba kasi hindi kita makalimutan!!!! Ang sakit sakit na eh" hagulgol ko wala naman makakarinig saakin kasi class hours ngayon.. Nandito ako sa field..
Halos maglumpasay na ako dun..
Ilang taon pa ba kita mamahalin? Paano ko ba pipigilan?
"Miss panyo?" Napalingon ako sa taong nasa gilid ko hindi ko makita yung mukha kasi nakatakip yung buhok ko.. Kinuha ko naman yung panyo wala kasi akong panyong dala -.-
Umupo sya sa gilid ko... Finally malilingon ko na sya...
"K-Kyle?!" Napatalon ako mula sa pagkakaupo ko...
Sya yung lalaking 4 na taon ko ng minamahal...
"Paano mo ako nakilala?" Hindi ko alam kung matutuwa ako o kinakabahan..
Ngayon palang kasi kami nagusap...
"Ah eh parehas kasi tayo ng school na pinupuntahan noon" nginitian ko nalang sya..
Mixed emotion ang nararamdaman ko ngayon... Ang awkward...
Yumuko nalang ako .. Hindi ko alam yung gagawin ko eh ayokong umupo sa tabi nya kasi sikat sya... Hindi ko sya ka level. :(
"Ah matanong ka lang ah? Hindi naman sa naninimasok or what pwede rin namang wag mo ng sagutin.. Curious lang talaga ako bakit ka nga pala umiiyak?" Napatingin ako sakanya 'umiiyak ako ng dahil sayo! Mahal kita pero iba ang mahal mo'
BINABASA MO ANG
Loving you from afar
Teen Fictionlove sometimes mean pain... especially when your just loving from afar