CHAPTER ONE

39 1 0
                                    

BonitaBabyy

26 YEARS old na si Alexa ngunit malinaw na malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang mga taong lumipas.Isang nakalipas na masalimuot at nakakalungkot. Naroon pa rin sa kanyang isipan ang mga pang-iinsulto, pangmamaliit, at masasakit na mga salita na binitiwan sa kanya dahil lamang sa kanyang hitsura.

Hindi niya maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ang pagtrato sa kanya ng mga tao, na
para bang may nakakahawa siyang sakit na iniiwasan ng mga ito. Mabuti na lamang at nakatagpo siya ng mabubuti at tunay na mga kaibigan sa katauhan nila Alyssa at Sophia.
Sila Sophia at Alyssa ay magkababata at parehong sikat sa paaralan dahil sa taglay na
maaamong mukha, katalinuhan, at angking talento.

Noong una ay akala niya katulad lang ang mga ito sa iba na masusungit, mapanghusga at masasama ang ugali na kadalasang nakikita niya sa may mga magagandang mukha pero nagkamali siya dahil naging kabaliktaran iyon sa kanyang inaakala at napatunayan niya iyon sa isang pangyayari...

"Hey, here comes the ugly duckling--- oh sorry! What I mean is the beast" madiin na sabi
ng isang babae na seninyasan pa ang isa pang babae. Halatang may gagawin na hindi kaayaaya.

Nakayukong naglalakad ang labing-limang taong si Alexa sa hallway. Katulad ng dati sa
tuwing napapadaan siya ay naririnig niya ang mga ma-aanghang na salita tungkol sa kanyang hitsura.

"Ouch!" daing niya nang madapa siya mula sa pagkakapatid. Tinawanan siya ng mga tao na naroon dahil sa naging ekspresyon ng kanyang mukha.

Lumapit ang dalawang magagandang babaeng may kagagawan ng kanyang pagkakapatid.

They're laughing evily while intently looking at here helpless position on the floor. Sa paningin niya ay tila nagkaroon ng sungay ang mga mala-anghel na mukha ng dalawa.

"Oops!" sabay takip sa bibig. "Sorry, I thought I saw a walking rug eh" wika ng isa na
nagngangalang Camille.
Tumawa pa ng mas malakas si Aaliyah. "Your right nga sis e, she's like a walking rug--a fatty, ugly, dirty one" tinignan siya nito mula sa pagkakaupo sa sahig.

"Just look at that fats and that ugly oily face, full of pimples and with a thick glasses pa that look like from decades ago" marahan ngunit madiin na sabi nito. Iniyuko nalang ni Alexa ang ulo dahil in any minute iiyak na siya at ayaw niyang makita ng mga ito ang kanyang umiiyak na mukha dahil baka lalo lamang siyang insultuhin ng mga ito.

"Yeah" pinameywangan siya ni Camille at inalapit ang mukha "Way, way disgusting!"
"Eew!" sabay na wika ng dalawa na nag-appear pa at nagtawanan. "You don't belong in this school ‘cause you’re so ugly! You know, your just ruining the
name of this---" naputol ang sasabihin ni Aaliyah nang may magsalita mula sa kanilang likuran. "If there's any ugly here, its you two! Can you two please have at least some manners!" Pagkarinig nila nun ay sabay silang napalingon sa bagong dating. "Sophia!" sabay na
wika ng dalawang babae.

"Oh, so it’s the Jimenez siblings. I was wondering who are making a big fuss here and turned out the two of you whom by any means are heartless unmannered beings.”
she paused and did a quoting sign "bullying and saying harsh words.

I should have known its you two because both of you have bad stinky attitudes!" sita ni Sophia sa dalawa.
"Stay out of this Sop---"naputol na naman ang sasabihin ni Aaliyah nang dumating si
Alyssa, ang president ng Student Council. "What's happening here?" aniya.

Beauty is the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon