Nandito na naman ako sa usual spot nya. Tinititigan siya. Ewan ko ba kung bakit ang sarap niyang titigan. Tuwing nakatingin ako sa kanya, bumibilis agad ang tibok ng puso ko.
Isang taon na rin ang nakalipas noon nung sinimulan kong umasang mamahalin niya ko. Umaasang kahit may mahal siyang iba, magbabago ang isip niya at ako na pala ang mahal niya. Pero ewan ko, close naman kami. Yun nga lang, sa social media accounts lang namin. Sa personal ay medyo lang. Halos araw-araw ko ata siyang kachat nung sembreak namin noong nakaraang taon. Tuwing naiisip ko yun, napapangiti na lang ako. Kaso kasama sa pinag-uusapan namin yung girlfriend niya, e. Pero okay lang sa akin, as long na nakaka-usap ko pa rin siya. Nakakachat ko rin naman yung girlfriend nya. Ang bait nya kaya walang duda kung bakit siya na gustuhan ni Nathan.
In fact, walang wala ako sa kanya. Isang Joana Enriquez papalag sa isang Jasmine Calda? Isang maganda, matalino at mabait na babae. Saan ka pa diba?
Hindi ko pinapahalatang may gusto ako kay Nathan. Ayoko. Ayoko kasing makagulo sa relationship nila. Sabi nga ni Nathan sakin nung kinamusta ko sila ni Jasmine ay 'Together Forever' daw sila. Kaya ang sabi ko 'Walang forever.' Kaya ang inireply nya ay 'Edi going strong.' Napa-okay na lang ako. Ano ba ang dapat kong sabihin? Wala naman diba? Wala kasi akong karapatan.
Minsan nga nagseselos ako sa tuwing nakikita ko yung palitan nila ng tweets. Pero naisip ko, bakit ako nagseselos? Ano nya ba ko? Wala naman diba? Kaibigan niya lang ako. Malayong kaibigan.
Naisip ko rin noon na sabihin na sa kanya ang nararamdaman ko pero para saan pa? Wala namang mangyayari. Mahal na mahal niya si Jasmine. Gusto ko na nga ring tapusin na 'tong pag asa ko sa kanya dahil ako lang din naman ang nasasaktan. Ngunit gustuhin ko man ay hindi ko magawa. Napupuno agad ng mga what if's ang utak ko.
What if magkagusto siya sakin?
What if marealize niyang ako na pala ang mahal niya?
What if may pag asa talaga ako?
Pero what if wala talaga?
Ayoko. Lalo lang akong nasasaktan. Masakit na sa akin iyong pinapamukha niya sa buong mundo na ang mahal, mamahalin at minamahal niya lang ay si Jasmine Calda. Kumbaga'y sabi nga ng mga jejemon ay 'Ikaw lang. Sapat na. Walang titibag.' Hahaha. Ano na naman ba 'tong mga iniisip ko? Masyado ng malalim, ah? Parang yung pagmamahal ko sa kanya. Masyado ng malalim na tipong hindi na ako makaahon at nalulunod na ako.
"Hey Jo. Nandito ka na naman? Di ka pa ba nagsasawa dyan sa Nathan na yan?" Gemma ask.
"Paano ko magsasawa kung mahal ko yung tao?" Tugon ko ng nakangiti ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang sakit na nararamdaman ko.
"One year, Joana. Isang taon ka ng umaasa dyan sa Nathan na yan. Ilang beses na kitang nakikitang umiiyak dahil sa lalaking iyan. Ano ba, Joana? Gusto mo bang paulit ulit madurog yang puso mo?" Ayan na naman siya. Palaging iyan ang sinasabi niya sa akin.
"Umaasa lang naman ako, Gemma. I'm still hoping that someday he will realize na mas mahal niya ako kaysa kay Jasmine. Pero at the same ayoko rin namang makasira ng relasyon. Lalo na kung masaya sila." Napangiti na lang ako ng mapait. Paulit ulit na lang akong nasasaktan. Sophomore student pa lang ako pero nagkakaganito na ako. Anong magagawa ko kung nainlove ako ng maaga? Hindi mo mapipigilan ang pusong magmahal.
"Yun na nga, e! May mahal na iba si Nathan. Wala naman tayong magagawa. Alam mo, Jo? Tama yung sinabi ni Raf, kung ibebenta yang puso mo mura na lang. Puro sira na, e. Durog pa." Aniya nito.
Natawa naman ako. Oo nga, masyado na kasing maraming sugat, e. Hindi ko nga alam kung magagamot pa ito.
"Gemma naman. Oo naisip ko ng itigil 'to. Pero may ibibigay muna ako kay Nathan bago ako tumigil." Sabi ko rito.

BINABASA MO ANG
Feelings in a Bottle (One-shot)
General FictionSa isang bote na iyon nakapaloob ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Ang matagal ko na dapat sinabi para tapusin na ang kahibangan kong ito. Na tapusin na ang pag asa ko sa kanya na alam ko namang walang patutunguhan. -josaangelil.