XIV

20 0 0
                                    

"ugh babe paki-abot naman saken yung facial wash ko bilis bago kumalat tong dinikdik kong bigas" utos ko kay Simon

"e baket kase di ka nalang bumili ng facial scrub? kesa sa nag a-all natural ka diyan" sagot niya habang mabilis na tumakbo papunta saken

"e advice ni Shaenna saken to tska yun na nga all natural daw" sagot ko sakanya

yes, ako si Quenie. bestfriend ni Shaenna. and tulad ng lahat ng kaclose ni Shaenna sa librong to, maipapahiwatig ko din ang perspective ko.

sa totoo lang wala naman na talaga akong pakielam sa squad namen, i'm happy with where and who i am with. kasama si Simon. pero syempre, since family ko din sila andito paden ako. pero sa totoo lang? kung anong galaw ni Shaenna, sunod lang ako. pag sinabe niyang makipag kita kame sakanila, go, pag sinabe niyang ayaw niyang pumunta sakanila, edi wag, pag sinabe niyang galit siya sa isa sakanila ako din magagalit sakanila. pero ngayon? to be honest di ko na din alam nangyayare. ganito ba talaga? mentrad tumatanda mas lalong nagiging complicated?

di na ganong nagkekwento si Shaenna saken di tulad ng dati, pag tatanungin ko siya kung kamusta na siya or ano ng nararamdaman niya palagi nalang niya sasabihen na "okay paden", hindi tulad nung dati na may explanation.

huling beses na nagsabe saken si Shaenna, before mag new year yon kwento niya wala na daw siyang maramdaman. di niya alam kung dapat siyang malungkot or maging masaya kase wala na.

kahapon nagkagulo sa dinner namen, kase nagulat nalang din ako magkasama si Timothy at Shaenna pero di nako kumontra. support nalang. tas ayun nag away away. para kameng mga bata no?

pero nakita ko na once yung itsura ni Shaenna na yun, hindi sakanya or kahit kanino kundi saken. yung itsura ba na pinipilit mong maging masaya alang alang sa ikapapanatag ng loob ng iba.

highschool ako nun, naalala ko yung lungkot sa mata ko dahil pakiramdam ko napakasama kong tao at yun ang pinaparandam saken ng buong mundo, lahat ng kaibigan ko, pero kelangan kong magpretend na hindi ako naapektuhan. until nagbreakdown ako kay Shaenna kase di ko maintindihan baket kelangan sa mga kaibigan ko pa kelangan maramdaman yung ganon. anyway, hindi to kwento ng highschool ko. kwento ito ng ngayon.

pagka-kwento ko kay Simon ng tungkol sa nangyare kagabe, pinuntahan niya ko agad dito sa condo ko sa quezon city para icomfort ako. see? kaya ko sinasabeng masaya nako sa kung anong meron ako.

"babe tumatawag si Shaenna" sabe ni Simon habang inaayos niya yung sala ko habang ako nasa cr gumagawa ng natural facial scrub

"oh Iyay! sige wait lang eto si Quenie" narinig kong sagot ni Simon. pumunta siya sa cr at hinawakan yung phone sa may tenga ko "si Iyay babe" dagdag niya

"yow bitch" bati ko

"hoy babaita puntahan mo kame dito ni Shaenna" sagot niya saken

"baket? asan kayo? anyare?" tanong ko sakanya

"andito kame sa lobby niyo hayop ka" dagdag niya

"ay wait shit may ginagawa ako. sige si Simon nalang papababain ko" sagot ko sabay baba niya ng telepono. pagkatapos nun pinababa ko si Simon para sunduin sila Iyay at tinapos ko na yung facial scrub na matagal ng inadvice ni Shaenna saken.

mamaya pang konti narinig ko na yung nakakalokang tawa ni Iyay at sumigaw si Simon ng "babe! andito na sila. labas lang ako bibili ako ng makakain niyo!" di nako nakasagot dahil sinara na Simon yung pinto at sila Shaenna naman derederecho sa sala na parang bahay nila.

"pakshet ano yan? baket may backpack ka?" tanong ko kay Iyay sabay derecho sa kusina para maglabas ng baso

"shot glass be" biglang utos ni Iyay

bakit nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon