Hoy, lalake! Paki hinaan naman yang patugtog mo. Anlakas masyado eh. Please lang.
Nagulat ako. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Sino ba siya para sabihan ako ng ganon? Okay, alam kong malakas ang music na pinapatugtog ko. Di ba siya nag iisip? Freedom park 'to ng school. Freedom park.
Um, sorry. Pero...
Parang medyo kumabog ang dibdib ko. Grabe na talaga. ISA LANG SIYANG BABAENG DI KO KILALA NA NAGLALAKAD SA CAMPUS. Uulitin ko. Hindi. Ko. Siya. Kilala. Bahala na. Baka mamaya mapatulan ko pa 'tong babaeng 'to.
Sorry kung magulo ako. Pero, parang hindi mo yata alam na isa itong freedom park. FREEDOM.
Nilinaw ko ang pagsasalita, as if nakikipag-debate ako. Pero not in an angry way na halos sumabog na yung eardrums mo sa lakas ng sigaw.
Um, porke ba Freedom Park, malaya agad sa mga gagawin mo? Hello, may mga nagbabasa din kaya sa tabi-tabi.
Grabe. Ang taray niya. Hindi ko namamalayang nagpla-play pa pala ang kanta na pina-play ko kanina. Agad-agad kong pinatay yung speakers ko.
Nahihiya na ako. Halos lahat na ng taong nasa paligid namin ay nakikinig sa away namin. Well, away niya. Mahina lang naman ang pagkakasabi ko sa katwiran ko kanina eh. Eh siya, halos marinig nanng buong school yung boses niya eh.
Hmph. Bahala ka na dyan. Magpatugtog ka.
Sinabi niya sa akin sabay irap at alis.
Dumilim ang paningin ko. Sobra akong na badtrip. Kaines. Pero I guess ganon lang talaga ang experience ng isang bagong student sa school na 'to
Umalis nalang din ako, hindi iniintindi ang pagtingin ng mga kapwa ko estudyande sa paligid.