Two

58 2 0
                                        

Warning: puro mura ang chapter na 'to.

_________________________________________

Hindi ko nanaman maintindihan ang mga pangyayari ngayon.

Kaninang umaga, hindi mo aakalain ang nangyari sa akin kanina habang pasakay ako ng jeep.

Eto ang scene:

Naglalakad ako paalabas sa subdivision namin. Napaka payapa sa paligid kasi una, wala naman taong naglalakad nung time ma yon. Masyado kasi akong maaga (5:30 nun nung lumabas ako sa bahay namin) then this happened.

Ikaw nanaman?

Sigaw ng isang babae sa may likod ko.
I think you know what happens next. It's some kind of a movie cliché though, cause una, papunta ako sa school, tas makikita ko nanaman yung babaeng pinaka una kong na-meet sa bago kong school. At yung babaeng galit na galit sa akin yung nasa likod ko.

Is that thing called "coincidence" or that thing called "tadhana"?

Wait, wait. Erase muna yung thing called "tadhana". What was I thinking?! I mean, tadhana agad? Pwede bang~
nevermind. Bat ko ba yun iniisip.

Nilayuan ko nalang siya. Nainis ako. Like everybody else does, of course. Yung tipong nagwalk-out ako sa inis.

Papunta na ako sa school. Sa bago kong school.

Nasa jeep na ako. Hindi ko na siya makita, which is a good thing. Nakatulala lang ako sa bintana then,

Oh shit oh shit oh shit oh shit

Napamura ako sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Hindi ko namamalayang kanina ko pa siya kaharap sa bintana. Magkatapat lang pala yung jeep naming dalawa. Tangina, bakit ba siya ang lagi kong nakikita?

Bumaba na ako kaagad sa jeep nung makita ko ang school ko. Kaines sya.

Good morning, class. Ako ang magiging adviser niyo for this whole school year.

In order for us to, you know, get to know each other, magpapakilala kayo isa-isa dito sa harap.

Buti nalang wala yung babaeng war freak dito sa klase.

Hindi ako gumawa ng kahit anong galaw o ingay. Hinintay ko lang na dumating sa akin yung pagkakataon na magsalita sa harap ng parang tanga.

The Girl Who Called MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon