(Tago niyo nalang ako sa pangalang ROSE MARIE. 4th year college na po ako at medyo hindi na afford ng magulang ko yung tuition ko na 24, 000 kaya binabalak nila na huminto muna ako sa pag aaral at tumulong muna sa kanila. meron akong 10 kapatid at ako yung panganay. ang nanay ko labandera ang tatay ko tricycle driver, hindi sapat ang kinikita nila para sa pang araw araw na gastusin namin. 5 nalang ang nakakapag-aral sa amin. at yung lima huminto na muna sa pag aaral. ang dami kasi naming mag kakapatid e. xD pero nakakaraos naman kami sa pang araw araw. nakaka-kain kami ng maayos kahit minsan asin at tubig lang ang inuulam namin dahil nga sa kahirapan. nasanay na kami na ganun yung ulam pero siyempre hinahangad pa rin namin yung masarap na pagkain tulad ng fried chicken, Cake, Ice cream atbp.
Ang saya. 02x naming pamilya kami na nga ang pinaka masayang pamilya sa buong mundo kahit gipit, kami na din ang pinaka maingay na pamilya sa lugar namin, tuwing pasko at bagong taon lagi kami kumpleto at sama samang nagse'celebrate ;]] O? dba ? ang saya namin. kahit medyo gipit na ice'celebrate pa rin namin ang pasko at bagong taon ng sama sama at masaya. kahit ang handa namin ay itlog, pancit at tuyo lang, napag kakasiya naman namin ito.
Hanggang sa sumapit na tuluyan na ngang nag desisyon yung mga magulang ko na huminto na ako sa pag aaral at tumulong na sa kanila mag trabaho dahil nga sa hindi na nila kaya akong pag aralin sa kolehiyo. napa iyak ako sa sinabi nila dahil sinabi ko pa naman sa sarili ko na tatapusin ko yung pag aaral ko at makaka- graduate ako w/ flying colors at para matupad ko na din yung mga pangarap ko para sa kanila. Biglang may pumasok sa isip kong isang bagay na "UMALIS MUNA" pansamantala at ipag patuloy ang pag aaral. Ngunit, yan yung bagay na hinding hindi ko magagawa lalo na sa sitwasyon namin ngayon.
Pinakita ko sa kanila na karapat dapat akong maka'graduate. pinag butihan ko yung pag aaral ko ginawa ko lahat, kapag may mga proj. kami hindi ako humihingi sa kanila dahil alam kong pangkain nalang namin ang kinikita nila kaya ako na yung gumagawa ng paraan para may pang proj. ako umeextra ako sa pag mamaneho ng tricycle, minsan umeextra din ako sa pag lalaba. nakakaraos naman kahit papaano. At nung time na papauwi na ako dahil nag pasada ako merong isang lalaki ang hirap na maglakad, puro galos at pasa! halatang binugbog kaya madali ko siyang nilapitan at tinulungan)
Ako: lolo, anu pong nangyare sa inyo ?
Lolo: hinoldap ako.
Ako: nakilala niyo po ba kung sino sila? namukaan niyo po ba sila?
Lolo: hindi e, napaka-bilis ng pangyayari.
(dinala ko si lolo sa HOSPITAL at tinawagan ang mga kamag anak nito at umalis na din ako agad!)
after 2 weeks dumating na yung time na kailangan ng bayaran yung kulang sa tuition. hindi ko alam kung anung gagawin ko nung time na yun, halos mangiyak ngiyak na ako kung saan ako hahagilap ng 12, 000 pesos. pinanghihinaan na ako ng loob at halos mawalan na ng pag asa na makamit yung mga pangarap ko. Ngunit sa awa ng panginoon, merong isang matandang mayaman ang tumulong sa akin.
Lolo: may prob. ba?
Ako: (napatingin ako) ahms .. parang namumukaan ko po kayo.
Lolo: OO ako nga ang tinulungan mo. :)
Ako: ah. kayo po pala :]
Lolo: alam ko ang prob. mo ay pera .. tutulungan kita tulad ng pag tulong mo sa akin nung ako'y nangangailangan ng tulong.
(Hanggang sa nabayaran na yung tuition fee ko. at masaya akong naka GRADUATE! sa awa ng diyos nkatapos ako ng pag aaral at ngayon nag ta'trabaho na ako sa ibang bansa at nakapag patayo na kami ng sarili naming bahay at may negosyo na din yung mama ko at yung papa ko? yun may sarili ng tricycle ;D masaya na kami ngayong nabubuhay at puno ng pagpapasalamat sa panginoon at nalagpasan namin ang mga pagsubok sa buhay.)
-
Sana sa lahat ng mambabasa meron sana kayong makuhaang MORAL LESSON sa story na ito. lalo na sa mga batang gustong gustong makapag tapos ng pag aaral at sana tumulong din tayo sa taong ngangailangan ng walang hinihintay na kapalait. hanggang dito na lamang ;D
#Ynnah ;) salamat sa pagbasa niyo.