“Lecchhheeee!Paano nangyari yun? Bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo si Spencer pa yung papakasalan ng kapatid ko!” Reklamo ko sa bestfriend ko.
“Problema yan Fabienne. Eh ang gaga mo rin kasi e, nung kayo pa ni Spencer ba’t di mo pinakilala sa pamilya mo edi sana alam ni Frances at di aabot sa ganitong sitwasyon!” Sermon ni Katerina.
“Ugh! Nandun na tayo Katerina, ang problema ko ngayon ay etong puso ko! Kasi hanggang ngayon mahal ko pa si Spencer.”
“HOY! Gaga ka pigilan mo yan! Di na kayo pwede kasi F-I-A-N-C-E na siya ng kapatid mo! Ang ipinagtataka ko lang di ba kilala naman ni Spencer yung pamilya mo? Ano ba talagang gusto ng Ex mo.”
“Hindi ko alam Kat, bumalik nalang kaya ako sa Paris?”
“Fab, nandito na ‘to e, harapin mo nalang ng matapos na yung lahat tutal 2 weeks nalang naman malapit na yung kasal ng kapatid mo. Tiis nalang Fab, basata kung ano man yung mangyari kakampi mo ko kahit sa mga katangahan mo.”
“Hayyy..ano pa nga bang magagawa ko.”
It’s been 3 years since the last time I saw him .. At ngayon malapit na kaming magharap ulit at yun ang kailangan kong paghandaan. Oh god, I really miss him .. Pero mapaglaro nga naman ang tadhana, yung taong pinakamamahal mo ay nakatakdang ikasal sa kapatid mo. Ganun talaga e para sumaya ang isa kailangan may masaktan, may magsakripisyo at ako yun.
--------------**********-------------
I was on my way sa condo ni Katerina pagkatapos kong makausap yung kapatid ko, parang nanadya lang e uuwi kami ngayon ng Ilocos and guess what? Kasama si Spencer.
“Katerinaaaa Salazar!” Hysterical kong sigaw.
“Ano ba Fabienne Mikaelle Lim pwede wag sumigaw? Leche ang aga aga ha? Ano bang problema mo ha?”
“Uuwi kami ng Ilocos mamayang 2pm ang alis namin, and guess what? Kasama si Spencer!!!!” reklamo ko.
“Oh.. Kaya mo yan Fab, just face it magkikita at magkikita kayo because soon you will be his sister in law :D Shupiii na, mag’empake ka na. go! Goodluck!”
At yun pinagtabuyan ako ng bestfriend ko, Langya naman oh.
Sister in Law? Duhhh,
------------***********--------------
@ Ilocos Norte
Sobrang awkward lang sa byahe. Halos hindi ko tinitignan si Frances at Spencer, syete naman oh? Talagang sinasadya ata ni Spencer na mag’PDA sila ng kapatid ko e anong pinaglalaban niya? Kabadtrip! This is my worst vacation ever! Once in a blue moon na nga lang akong umuwi ng bansang Pilipinas tapos ganto yung bubungad sakin. Haayyy. This will be my last vacation here in the Philippines, makapunta nalang sa Jupiter atleast dun walang Frances at Spencer na sobrang mag’PDA! Leche! Nakakasira ng araw.
“Finally, were here!” – Frances
“Can I go to my room now? I’m effin’ tired”
“Sis, bibisitahin pa natin si Mamu di ba? Sak ipapasyal pa natin si Babe”
(Duhhh. Babe iwwww! Edi mamasyal kayo gagawin nyo pa akong chaperon) bulong ko sa isip ko.
“Frances, I’m so tired I need some rest”
“But----“
“Babe, it’s okay. Your sister need some rest.” Spencer.
“Okay, kita nalang tayo mamaya sa dinner sis.”
“Okay.”
Pagpasok ko sa kwarto ko ay knock out agad ako sa sobrang pagod at konsumisyon.
-------------****************---------------