Aira’s POV
Nandito ako sa waiting shed sa isang bus stop. Iniintay ko kasi ang isang tao na baka ngayon ang uwi… oo mga pips BAKA di kasi ako sure eh, pero iniintay ko pa rin malay niyo dumating.
Kinuha ko muna yung ipad ko sa bag. Actually kay ate ‘to hiniram ko lang para pampalipas oras habang nag-iintay. Maglalaro sana ko ng Candy Crush eh, kaya lang may nakita akong isang guy na nakaupo sa isang bench sa harap ko. Almost park na rin kasi ang tinapatan nitong bus stop.
Nagbabasa lang siya ng libro pero minsan sumusulyap din sa kanyang cellphone. May inaantay atang text. Pero hindi yun yung dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. Napansin ko kasi yung isang girl sa may likod ng niya na nakatingin sa kanya. Nakaupo lang siya sa isang bench sa may park, sa likod nung halamanan kung san nakaupo yung guy. Gets nyo ba? Ganito yung style.
~park~
~upuan nung girl~
ROW NG MGA BULAKLAK
~upuan ng guy
Then sa kabilang side ng kalsada yung bus stop kung saan na may bench na inuupuan ko. gets nyo na?
Nakatingin lang yung babae dun sa guy. Pero yung mga mata niya parang may gustong iparating. Like a feeling na hindi mo kayang ipakita sa iba.
And I can say it’s love. Maybe a one-sided love. Or a forbidden love, hindi ko alam. Sobrang lungkot ng mata niya habang nakatingin siya sa guy. Pinagmamasadan niya lang ‘to sa mga ginagawa niya. Like a guardian or an angel. The guy was still browsing his book. Wala nga ata siyang pakiramdam na may nakatitig na sa kanya eh. Kung ikukumpara mo siya sa isang love situation. Masasabi mo na napakamanhid nung lalaki. Hindi niya alam na may nagmamahal sa kanyang iba habang iniintay niyang magparamdam yung taong mahal niya. Or sadyang manhid lang siya na hindi makaramdam. How ironic nga naman.
Aish ang boring nito! Isang nakatitig at isang walang pakialam, manhid. Tss.
Tiningnan ko na lang ulit ang ipad ko at naglaro na ng Candy Crush mas exciting pa ‘to kesa sa scene na ‘to.
Badtrip naman oh.. laging failed ako sa level na ‘to. Ba’t kasi ayaw maubos ng mga jelly na to eh.
Ibinaba ko muna ang ipad ko. Biglang may nagring na phone akala ko akin. Parehas kasi ng ringtone pero dun pala yun sa lalaki. Nakangiti siya habang kinukuha ang phone niya sa bulsa niya pero bigla na lang siyang nalungkot nung makita niya ‘to. Siguro hindi yun ang inaasahan niya. Tumungo na ulit siya sa librong binbasa niya.
Aish, makapaglaro na nga lang ulit. Temple Run naman baka mas madali…
.
.
.
.
.
.
.
.
Aish game over. Ano ba? Teka anong oras na ba? Ba kanina pa pala ako dito ah.. may thirty minutes na ata ako eh. Antagal naman niyang dumating.
Dadating pa kaya yun? Di naman kasi ako sure kung ngayon ang uwi nun eh. Nagbabakasakali lang.
Tiningnan ko ulit yung scene sa una ko. Ganon pa rin. Hindi ba sila napapagod sa kaaantay? Tss.
Ganun pa rin yung ginagawa nung guy, nagbabasa. Pero mas madalas na ngayon ang pagtingin niya sa cellphone niya. Naiinip na rin siguro siya sa pag-aantay. Yung girl naman ganun pa rin, nakatingin pa rin sa lalaki. Pero ngayon nagtutubig na ang mga mata niya. Siguro napapagod na rin siya. Naiinip. Ikaw ba naman kasi ang mag-antay sa isang taong parang kasing manhid na ng taong biglang napaso ng kumukulong tubig, tipong wala ka na talagang mararamdaman pagkatapos ng nangyari, ewan ko lang kung hindi ka maiinip, mapapagod at masasaktan.
BINABASA MO ANG
Waiting and Loving [One Shot]
Teen FictionLoving someone who, you know, can't love you back is like waiting for someone you're not sure would come. It could hurt you but you still try... Ikaw susugal ka?