"Crimson the usb is in the red door on your right but there's three guards inside so be careful" sabi sakin ni Shade kaya agad kong kinasa ang baril ko.
Naging mabilis ang pangyayari. Duguan ang tatlong lalaki na sinasabi sa kin ni Shade. Ang problema ko na lang ngayon ay kung san ko hahanapin ang usb. Binaba ko ang hood ng itim kong jacket at kinausap ang partner ko.
"Shade where is it?" tanong ko sa kanya na mukhang hindi nakikinig sa akin. Naririnig ko mula sa earpiece ang pagdaDubsmash nung AlDub. "Shade this is not the right time to watch that show. We need to finish this mission ASAP. Ako lang naman ang malalagot kay Boss kapag pumalpak tayo dito eh" sermon ko sa kanya habang hinahaluglog ko ang mga drawers na nakikita ko.
"Sorry na Crimson. Alam mo namang Team Replay ako sa panonood. By the way, the usb is in the mini vault behind the frame" pagkasagot nya sa tanong ko ay mabilis ko namang nakita ang frame na sinasabi nya. Syempre sino ba namang bulag ang hindi makakakita sa malaking frame ng mga Druglord. Agad ko namang tinanggal ang frame at nakita ang vault.
"Psh" rinig ko kay Shade.
"What?" tanong ko at lumapit sa vault para buksan.
"Ganda ng password. Pati baby makakabukas ng vault na yan. Try guessing it Crimson. Kaya mo na yan." Sa ganitong kaliit na vault ay tatlong numbers lang ang kailangan.
"Okay? so.." pinindot ko na ang tatlong numero na 'nahula' ko. Narinig ko na nga ang pagbukas ng vault at kinuha ang usb na naglalaman ng mga list of customers ng mga Druglord.
"It's easy as 123. Stupid druglords tsk tsk." binulsa ko na ang usb at tinaas ko na ang hood ng jacket ko. Naglakad na ko sa bintana at mabilis na tumalon. Short Cut.
~~~~~
"Great work Crimson. Si Chain na bahala dito. That's it for today, you may go now but be sure that your tracking device is on so we know where you are. And be ready for upcoming missions" sabi sakin ni Boss. Lumabas na ko sa office nya at pumunta sa Control room, ang office ng partner kong si Shade.
By the way, I'm Wren Ileane Carvajal aka the Crimson. Obviously I'm a spy but I like the words 'Secret Agent' better. It's been 4 years simula ng magtrabaho ako as an agent. I'm from a Secret Association pero it's legal naman, underground ang base namin na nasa ibaba ng Carvajal Group building which is my Dad's company.
Ayos lang naman sa mga magulang ko ang pagiging agent ko. My mom aka the 'Venom' ay dating agent sa mismong association ko. Dun sila nagkakilala ni Dad na tinutulangan pa noon si Lolo sa pagpapalago ng kompanya. Well may pinagmanahan lang naman ako. And this is my dream kaya walang makakapigil sakin.
Binuksan ko na ang pinto ng Control room at nakita ko agad ang bruha na busy sa panonood ng Aldub na yan. Dyan pa ata ako mapapahamak eh.
"Hoy babaita! Nirerape mo na yang replay button. Maawa ka naman" sabi ko at umupo sa tabi nito.
"Ang gwapo kasi ni Alden bes. Kakilig sila ni Yaya hihihi" ang creepy talaga nya kapag kinikilig.
BINABASA MO ANG
Start Your Day With A Kiss
RomanceThe first time I kissed him was an accident The second time was when we need to act The Third time was when he was sleeping The other kisses? I don't know... I've become Addicted -Wren Ileane Carvajal