LVER 1

4 0 0
                                    

"Papa, akala ko ba pupunta tayo sa farm ngayon? Bakit parang iba 'tong dinadaanan natin?" Nagtatakang tanong ko kay Papa. Sabi kasi niya magbabakasyon muna kami sa Quezon para icelebrate ang 20th birthday ko. Pero napansin ko na iba ang dinadaanan namin.

"Oo nga, pero dadaan muna tayo sa Mama mo para mabati ka niya sa birthday mo. Ayaw mo ba no'n?" Nakangiting sabi niya.

"Talaga? Thank you Papa! Tagal na nating di nadadalaw si Mama. Sana pala nakapagdala ako ng bulaklak galing sa shop."

"Okay lang 'nak. May madadaanan naman tayong flower shop mamaya. Maiba ako, kumusta ang shop? Nag-eenjoy ka ba?

Nagulat ako sa tanong niya. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkakakwentuhan. Sobrang busy kasi niya sa trabaho. Tulad niya, Business Management din ang natapos ko, dahil sabi nga niya, wala naman siyang ibang tagapagmana kung hindi ako lang na kaisa-isa niyang anak kaya dapat raw e matutunan ko ang ginagawa niya.

"Masaya 'Pa. Madami akong clients lately. Wedding season na kasi kaya madaming orders. Masaya naman sila sa mga flower arrangements ko. Sabi nga nila sa mga next events nila ako pa rin ang kukunin nila." Natutuwa kong sabi.

"That's good to hear, Elle. Always make your clients happy. 'Pag hindi sila masaya, there's something wrong with your service. You have to meet their standards, or else..mawawala sila sa'yo." Paalala nito.

"It's a good thing I learned from the best." Napapangiti kong sabi. Napapailing at natatawa naman si Papa sa sinabi ko. Buong biyahe ay nagkwentohan lang kami. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi ko na rin namalayan ang mga sumunod na nangyari.

MA'AM SAMUELLE! MAAM' SAMUELLE!

Nagising ako sa matinding pagyugyog sa 'kin. Nanaginip na naman ako. Dala na naman 'to ng matinding pagod at puyat. Hindi ko na namalayan na sa desk na pala ako nakatulog kagabi.

"Madam, nasa baba na po ang Tito niyo. Kanina pa po kayo hinihintay magbreakfast. May presentation pa daw po kayo ngayon 'di ba?" Natatarantang sabi ni Doris. Teenager palang ako nung mamasukan siya sa 'min. Malaki ang tiwala ng mga magulang ko sa kanya at pati na rin ako. She's practically a sister to me.

"Relax Dorz, I can manage. 'Wag kang mag-alala, gagalingan ko mamaya. So, ipagready mo na 'ko ng dress at maliligo muna ako, okay?" Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya para hindi na siya kabahan pa.

Habang nasa shower ako, hindi ko rin maiwasang kabahan. Akala ko kaya ko na pero 'pag naiisip ko na haharap ako'ng mag-isa sa mga investors at stockholders ni Papa, para na akong masusuka sa sobrang kaba. Hindi pa 'ko ready pero alam kong dapat ko 'tong gawin alang-alang sa ala-ala ni Papa.

SA KUSINA

"Hi, Tito Raf! Good morning." Masigla kong bati sa kanya. Siya ang nakababatang kapatid ng Papa ko. Siya na lang ang natitira kong kamag-anak sa side ni Papa. Si Mama kasi ulilang lubos. Lumaki siya sa ampunan at doon nga sila nagkakilala ni Papa.

"You're early for tomorrow's breakfast, Iha!" Nakangiti nitong sabi.

"Tito naman, napuyat kasi ako sa paggawa ng report para mamaya. Alam mo na, ayaw kong magmukha akong ignorante sa harap ng Millionnaire's Club." Sabi ko ng pabiro with matching kindat kay tito.

"Correction. Billionnaire's Club Iha. I know isang malaking challenge sa'yo 'to but I have so much trust in you. And besides, almost two months na lang and you'll already take over everything. You can do this, Sam. After all, you are your father's daughter, right? Sabay tawa nito. "Anyway, I'll go ahead na. I'll see you in the office. And remember Iha, don't be late! Mariin nitong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LA VIE EN ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon