Chapter 7: Cris' Side
--
Naglalakad ako ngayon patungo sa starlight University habang dala dala ang gift galing ni pinsan na may laman na chocolates para kay Hannah.
Napatingin ako nito and I can feel my tears formed in my eyes.Ba't ko ba siya minahal?
Diba bawal tong nararamdaman ko?
Sabihin niyo, dapat ko ba tong ihinto?
Pero, hindi ko kaya!
Napahinto ako at yumuko tas umiyak.
Isa akong masamang tao. Minahal ko ang sariling kong kadugo.
Iyak lang ako ng iyak nang may panyo na tumabad sa harapan ko.
Napatingin ako sa may ari nito at isang lalaki?
Hindi naman siya kagwapuhan pero ang mata niya, puno ng pag aalala.
Tinabig ko ito at pinahid ag luha ko. "I don't need your help" sabi ko at tumakbo papasok sa University.
Pagdating ko sa classroom, nakita ko si Hannah na malakong eyebags.
Hindi ako tuluyang pumasok instead, tumakbo ako sa annex.
Umupo ako sa bench at napatingin sa gift.
Hinablot ko ang card nito at tinapon tas sinira ang wrapper nito at kinuha ang chocolates at inilagay sa bag ko.
Nang na realized ko ang ginawa ko, nabitawan ko ang box at nanginginig ang kamay ko.
Ba't naging ganito na ako?
Ansama ko na!
Pero, nagmamahal lang naman ako ah.
Masama bang magmahal?
Tao rin nama ako eh.
Tuloy tuloy akong nag eemote dito sa annex at di pinapansin ang ring sa bell nang nay tumambad na namang panyo sa harap ko.
Alam ko kung sino to kaya tinabig ko ulit.
"Concern lang naman ako sa'yo, itatabig mo pa? Sungit nito" sambit ng gagong yun
Napatinfin ako sa kanya at sinamaan ng tingin. "Bakit? Nanghihingi ba ako ng tulong mo?"
"Di naman. Concern lang ako sa'yo" sabi niya
Padabog akong tumayo at akmang na aalis nang nagsalita siya,
"Mmmm, one sided love?" Sabi niya. Napalingon ako at nakita kong hawak niya ang card
"ANO BA ANG PAKIALAM MO?!" galit na sigaw ko habang bumagsak ng tuluyan ang luha ko
"Wala. Pero hindi naman tama na ganyanin mo'to. parang sinisira mo ang tiwala ng isang tao" sabi niya
"WALA KANG ALAM!" Sigaw ko
Napahawak naman siya sa chin niya na parang nag iisip
"Oo, wala akong alam pero base naman sa gawi mo, parang alam ko na. Naging bridge ka ba sa pagmaahal nilang dalawa, diba?" Sabi niya
Hindi ako umimik. "kung mahal mo siya, palayain mo na" sabi niya
Hindi na ako sumagot at umalis.
Walang kwenta!
Timeskip
"Cris? Ba't ngayon ka lang? At ba't ang laki ng eyebags mo? umiiyak ka ba?" Tanong ni Hannah
"Ahh, ito? Wala lang to. Napuwing lang. Ikaw? Umiiyak ka din ba?" Tanong ko
"Eh, kasi! Si Kuya, iniinis ako kagabi" sabi niya at binigyan niya ako ng fake smile.
"Hannah, may tanong ako..." pagsisimula ko
"Ano yun?" Tanong niya
"Example, ikaw. Paano kung mainlove ka sa kadugo mo?"
Napaisip nama siya, "Feel ko ipagpatuloy ko ang nararamdaman ko. Tao rin naman ako eh. May karapatan akong magmahal ng kahit sino. Hindi ko nalang pakikinggan ang tsismis ng ibang tao. Pero, still, mali din siya. Kadugo at kapamilya mo yun." Sabi niya
Anong gagawin ko?
Kalimutan ang nararamdamn ko o ipagpatuloy ko?
BINABASA MO ANG
Chasing you
RomanceMostly... Babae ang umaasa Babae ang laging nasasaktan Babae ang laging tinataboy Babae ang mahina pero ngayon, Lahat nang gawi ng babae sa karamiha ng estorya.... yan ang ginawa ni BlazeUy. siya ang umaasa siya ang laging tinataboy siya ang mahina...