idol 3 | hey, I just met you

331 15 14
                                    

       ---

Idol 3 | hey, I just met you

       ---

"Ayun! May isang kotse don na papaalis, sumakay tayo dali dali!" Turo ni Onew sa kotse.

Wala ng panahon sina Onew, Key, at Taemin para magdalawang isip kaya pumasok na agad sila sa kotse...

~ Her POV ~

"Aaahhhhhhhhhhhhhhh!!" =O

"HOLDAPER!!"

Abot langit ang SIGAW ko!! Sino ba naman ang di magugulat kung may papasok na taong 'di mo kilala sa sarili mong kotse diba?!

"My goodness!  What should I do??!!" nataranta na ako TT_TT

I reached for the car's handle para itoy buksan. Pero pinigilan ako ng lalaking nasa front seat.

"Wag kang umalis!" Sabi nito.

Sa ngalan ng amaanakispiritusanto! Nako Lord! Wag mo muna akong kunin! May dreams pa po ako. TT_TT iyak na iyak na talaga ako. Hinahangos ako ngayon sa mga pangyayari. Hu hu hu my goodness!!

"My gosh! my gosh! Kuya, wag nyo po akong patayin, please na po!!! May mga magulang pa pong nagmamahal sa akin! May mga kamag-anak pa pong pinapakain! May mga kaibigan pa pong sasandalin!"

Ay ewan. Di ko alam ang mga pinagsasabi ko. Bigla na lang lumabas sa labi ko. Hindi naman totoo yung iba. >.<

"Wag ka ngang OA jan! Magmaneho kana dali!" (◣_◢)

Sabi nung lalaking blonde sa likuran.

"S-sigee po."

Natatakot at kinakabahan ako baka saktan nila ako kaya nagmaneho na lang rin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, paikot ikot nalang ako kung saan saan.

Ilang minuto, narinig kog nagsasalita ang tatlo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi, parang chinese ata? japanese? korean? thai? Hay ewan!

eto ang narinig ko sa mga pinagsasabi nila, ochodansoo wasiyaoo nuhateloo sunimadadasuu blablablablabla...

"Pwede ba kaming makitira muna sa bahay nyo?" Sabi nung lalaki sa front seat.

"WHAAATTT??!" mabilis kong sabi sa kanya.

At bat ko ba patitirahin ang mga to sa bahay ko? Eh hindi ko naman to kilala eh. Baka pagnakawan kami sa bahay! Ano ba naman to!  ¯\(°_o)/¯ Bat nanyayari ito sakin? Wala naman akong masamang ginagawa ah! TT_TT

"Wala naman kaming gagawin sa inyo eh! Hindi naman kami magnanakaw! Makikitulog lang, okey?"

Sabi nung lalaking naka blonde sa likuran.

Aba? O_O Mind reader ba to?! Bat alam ang mga nasa isip ko? Nakakakilabot naman! Wala ba silang bahay? Bat makikitulog?! Sabi ko sa sarili ko.

"Hindi kasi namin alam kung saan yung hotel na tinitirhan namin ngayon." Sabi nung lalaki sa gilod ko.

"So ano ba? Patitirahin mo kami sa bahay nyo? Oh Ihohold up ka namin?!" - sabi nung nka blonde

Ano ba! Ano ba! Naguguluhan, natataranta, nalilito na ang mga BRAINS KO!! Patitirahin ko ba sila oh hindi?

Patitirahin?

Hindi?

GRAAAAA!! Maloloka na ako nito!

"ANO NA?! PAPAYAG KABA O HINDI?" Sigaw nung blonde

"Ahhgg! Diyos ko!" Nagulat naman ako sa sigaw nya.

"Puhpayag na puu :'(" Malungkot kong sabi.

Pumasok na kami sa village namin. Bumusina ako sa tapat ng gate namin para buksan ito ni Manang Pearl.

Parang ang tagal naman ni manang....

"Uhmm, kuya, bumaba muna kayo."

Hindi naman sila umangal, bumaba nalang tahimik. Bumaba rin ako at binuksan yung gate. Pagkatapos pinasok ko yung sasakyan ko at kinlose yung malaking gate.

Naiwan sa labas yung tatlong lalaki.

"Ah, kuya dito muna kayo ha, papasok muna ako sandali." Sabi ko sa kanila.

Pumasok ako sa bahay at ni-lock ko lahat ng pintuan. Hinanap ko si Manang Pearl sa sa buong bahay. Asan naba si manang?

Dahil na-uuhaw ako, bumalik ako sa kitchen para kumuha ng tubig, at dun ko lang napansin na may note sa ref.

'Langga,

      Pasensya kana at hindi agad ako nagpaalam sayo. Emergency kasi, na-ospital yung pamangkin ko kaya umuwi ako sa probinsya namin. Sa Isang linggo pa ako babalik. Mag-ingat ka jan.

           - Manang Pearl'

Wrong timing naman to oh! So ako lang mag-isa ngayon?!

Hindi ko naman matatawagan si Kat, makikitulog sana ako sa kanila. eh pano ba naman yung mga intsik nayon nasa labas pa at mukhang hindi aalis.

Sumilip ako sa window kung nasa labas paba sila o hindi.

*RINGGG!*

Nagring yung doorbell.

"Papasukin mo na kami please. Inaantok na kasi kami." Voice ata yun nung lalaking nakaupo sa frontseat.

Sumilip ulit ako sa window.

Mukha namang mabait ang mga intsik na ito? At halatang inaantok nga.

Binuksan ko agad yung pintuan sa bahay pati na rin sa gate.

Bat ko ba ginawa yun? Parang involuntary yung mga galaw ko. Pinapasok ko pa sila sa bahay eh sa isip ko naman ay hindi dapat kasi nga mga holdaper sila diba?! ANO BANG NANGYAYARI SAKEN!

"Thank you at pinapasok mo kami. Ako nga pala si Onew." Onew pala ang pangalan nung lalaking nakaupo sa frontseat.

"Hello, I'm Taemin." Ang cute naman niya. Babae ba ito o lalaki?

"Key. Hindi kami magnanakaw ha. Makikitulog lang kami kasi antok na antok na kami eh." ito pala ang pangalan nung naka blonde. Ang taray naman niya -_-

"Ah sige, matulog na muna kayo, mukhang inaantok na talaga kayo."

Dinala ko sila sa guest room. Kakasya naman silang tatlo dun eh. May isang queen sized bed at single sized bed.

Bumalik na rin ako sa kwarto ko sa itaas. Hindi ko nalang namalayan

nakatulog na rin ako....

          ---

Copyright © 2013 RiepeeSun

Nasa right ang interior ng bahay ni Langga (nickname sakanya ni manang)

Thanks for reading. :))

Unexpectedly in Love with a Kpop Idol [On-Hold]Where stories live. Discover now