One last cry (One)

6 0 0
                                    

Chapter one.

-Kailyn's POV.-

"Umiiyak ka na naman?" may narinig akong isang boses sa likuran ko. Agad ko syang nilingon at ngumiti ng bahagya.

Si Lhaene pala. Kababata ko.

Nandito kami ngayon sa school.

Uwian na, pero still nandito parin ako.

Ayokong umuwi sa bahay kase for sure na ako lang mag isa dun..

"Kalimutan mo na kase." sabi ni lhaene sabay hawak sa balikat ko.

Isang malakas na hagulgol ang isinagot ko sa ko sa kanya

" I can't." sa wakas, lumabas sa bibig ko, kahit na tuloy ako sa pag iyak.

"Eh anung gagawin mo?" tanong nya sakin habang inaabot ang tissue sa kamay ko.

"I don't know." yun lang ang nasagot ko sabay napa yuko sa lamesa.

~

Di ko alam kung paano ulit ako mag sisimula sa una ng wala yung lalaking pinag katiwalaan ko, at minahal ko buong buhay ko.

Si kean, ex-boyfriend ko.

Matagal na panahon na rin kaming hindi nagkikita ni kean. Di ko alam kung saang lupalop na sya nandun.

Matagal na panahon na kaming di nag kakausap, pero hanggang ngayon, iniiyakan ko parin sya.

Paano nga ba kami nag kakilala ni kean?

*Flashback*

"Jinjin??"

"Kuya, may nakita po ba kayong batang nakapink na shirt at black na jeans?"

"Ugh. Nasan na kayo yung batang yun?"

Umiiyak na ko. Nawawala kasi yung kapatid ko. Nandito kami sa fun house. Iniwan ko sya dun sa mga rides, at pumunta ako dito sa may bentahan ng waffle.

Hinanap ko ng hinanap ang kapatid ko. Hanggang sa di ko na sya makita pa. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.

"Lagot ako kila mommy."

Lingon dito, lingon dun. Tanong dito, tanong dun. Pero walang nangyari.

Iyak na ko ng iyak. Hanggang sa parami na ng parami ang mga tao dito sa funhouse, habang pa liit naman ng paliit ang pag asa kong makita si jinjin.

Weekend ngayon, dapat bibili lang ako ng school projects, kaso biglang nagyaya si jinjin na maglaro sa funhouse.

No choice. Kaysa naman mag iiiyak sya sa daan diba? saglit lang naman daw e. Kaya pinayagan ko na.

Dalawa lang kaming mag kasama ngayon. 6 years old na naman na si jinjin, kaya di na sya masyadong alagain.

"Jin, dito ka lang ha? Bibili lang ako ng pagkain mo. Wag na wag kang sasama sa di mo kilala ah?" -Huling sabi ko kay jinjin habang tinatali ang buhok nya.

"Yesh ate" sabi nito.

Iniwan ko na nga sya. Pero pag balik ko, wala na sya. Iba na ang batang nakasakay sa ride kung saan ko sya iniwanan.

Nang mapagod na akong maghanap, ay umupo muna ako habang patuloy parin sa pag iyak.

Uso ang mga nangunguha ng bata ngayon. At mahirap na isipin na isa si jinjin sa biktima. T.T

*Bzzzzzzzt.*

Message From: Mommy

Kai, san na kau ni jin? Umuwi na kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One last cryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon