(P. K. C. K) Lovestory

145 21 3
                                    

"Girls!!! Andiyan na siyyaaaaaaaa! waaaaaaaaaaahhhhhh"

Isang normal at ordinaryong araw na naman ang meron sa school ngayon para sa akin. Except sa ibang mga kaklase kong babae. Guess, why sila nag sisigawan? Well, dumating lang naman yung kaklase naming crush ng buong babae sa campus. Yuuh!! Heartthrob ba.

"wews, yan naman sila. hindi naman kagwapuhan yang Mario na yan eh, Medyo pogi at maputi lang naman siya ah.Isang typical na lalaki lang din Psh." =.=

"Ang bitter mo Nianne! Porke't hindi ka lang kasi napapansin ni Mario."

"Pake ninyo bahala nga kayo."

Eh di ako na bitter. Psh. nakapagtataka lang din naman kasi, halos lahat ng babae sa campus pinapansin at kinakausap ni Mario samantalang ako. Ni "Hi" ni "Hoy" wala. NGA_NGA!

*Mga girls! papunta na siya sa rooom!! Waaaaaaaaaah! Mario!

*Ang gwapo mo talaga Mario!!

*Sana tayo nalang!!

*Akin ka nalang Mario!

*Bagay tayo Mario!!

"Letse tong mga kaklase ko.. puro Mario..Mario..Mario. nakakurat-_______- maka-iglip na nga lang muna wala pa naman si Sir.

Makaka iglip na sana ako, kaso parang palakas ng palakas yung sigawan ng mga kaklase ko.

"MANAHIMIK KAYONG LAHATTT!!!!!!!"

Nagulat sila nung sumigaw ako. hahaha, natakot ko ata sila. Yeas! Effective. Mabuti naman marunong sila sumunod. hohohoh >:))

Pabalik na sana ako ng tulog ng bigla kong napansin. Yung Heartthrob namin na si Mario, papalapit sa akin? For real? haha. I can't believe it. Shemay! napapa-English tuloy ako. Okaay. Ang O.A ko ba mag-react? First time po kasi niyang lumapit sa akin. Akalain ninyo yun almost 2 years ko na siyang classmate. Tapos hindi naman niya ako kinakausap or anything. Parang iniiwasan pa nga niya ako eh. Wala naman akong germs. Maganda naman ako. hahaha.

"Hi Nianne!"

"Anong kailangan mo?!"

Napakunot siya ng noo sa sagot ko.Kahit yung mga iba kong kaklase nakikita ko sa gilid ng mata ko na ang sama ng tingin nila sa akin habang nagbubulungan.

*Ang kapal naman ni Nianne.Sinigawan niya si Prince Mario natin?*

*lakas ng loob niya.*

*Hindi na siya nahiya*

"Woah! Nianne, Relax. hahaha. Ansungit mo? P.K.C.K.. Sige bye muna"

Huwaaaat?! Ano daw? P.K.C.K minura niya ba ako? Ayos yun ah! Unang beses na nga akong pinansin, tapos minura pa ako O___O

"Buti nga minura siya ni Prince Mario natin"

"Kaya nga eh. Ang Taray taray!"

*

*

"Ui Nianne, anong eksena yung naririnig ko ngayon? bakit rinig ko sinungitan mo daw si Mario?"

"Kasi naman Mayeth! Ikaw ba naman pansinin nung taong never ka pinansin ... Nagulat lang ako. first time niya kasi akong pansinin eh."

"HAHA, kaya sinungitan mo siya?"

"Oo, eh hindi ko alam sasabihin eh. Tapos Namura pa niya ko."

"HUWAAAT?! Minura ka niya? Ang mean naman niya."

"Oo, P.K.C.K daw"

"Ano yun?"

"Malay ko! pero feel ko minura niya talaga ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(P. K. C. K) LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon