'Ate, isa nga pong sky flakes tska po isang tubig'
'Diet ka pa rin ba? Kumain ka nga ng madami,di mo ba nakikita yang katawan mo, ang payat payat mo na hindi na katulad ng dati, may boyfriend ka ba?' – pagtatanung ni Hanna
Andito kami sa Canteen, dalawang subject na yung walang sumipot na instructor, kaya naisipan naming kumain muna.
'Sino bang lagi kong kasama' – pagtatanung ko sa kanya
'Ako' – sagot niya
'Ohh!may nakita ka bang lalaki na kasama ko?' – pagtatanung ko ulit
'Wala' – pagtatakang sagot naman niya
'Di wala akong boyfriend' – sabi ko
'Bakit pumapayat ka? At dahil ganyan lang ang kain mo, papayat ka pa lalo, kumain ka nga ng madami, dati nung HS tayo 55 yung timbang mo, tapos nung nagpamedical tayo nung isang linggo. 49 kana lang, ano bang nangyayari sayo' – pagtatanung niya sakin.
'Wala, ano ka ba naman, wala lang talaga akong ganang kumain ngayon, ang OA,OA mo talaga' – sabay upo ko sa upuan.
'Ano araw araw wala kang ganang kumain ganun? ' – pagtatanung pa niya
'Ay naku Kim, tigil tigilan mo nga ako, ikaw nga tong lamon na ng lamon' – pagrereklamo ko
'YUN na nga, DATI ikaw tong lakas lakas kumain, tapos ngayon, ikaw tong hindi kumakain' – pagaalala niyang sabi
'Ewan ko sayo, kumain kana nga lang' – sagot ko
Ganito lagi kami nito, may oras ng hyper may oras na para kaming mag-ina,yung tipong akala mo mag kakacancer ang isa amin kung makapag-alala.
Well ito yung isang dahilan kung bakit mahal na mahal ko tong si Kim.
'Ah, miss may nakaupo po ba jan' – pagtatanung nung lalaking may hawak na pizza,solo lang siya.
'Wala,sige upo ka,ano pangalan mo?' -- PAGTATANUNG NI KIM
AYAN NA NAMAN YUNG KAMANYAKAN NIYA, PAUUPUIN NIYA LANG YUNG TAO, ITATANUNG AGAD NIYA KUNG ANONG PANGALAN, KAHIYA HIYA TALAGA TONG KASAMA MINSAN.
Kumain na lang ako ng sky flakes, at alam kong magmamala 'NETWORKING' na tong usapan ng dalawang to.
Habang kumakain ako, napansin ko lang, ganito ba talaga pag College kana, puro seryoso na yung mga mukha nila, ang mamatured na nila, hindi na katulad nung HS kami na pag nasa canteen kagulong kagulo ang mga studyante. Nakakapanibago naman.
'Hi! Sir,Long time no WAR' – pagbati nung lalaki dun sa isang lalaki.
BINABASA MO ANG
It ain't over,til it's over
RomanceThat in between, When someone you used to love is with someone you know, and when someone you will love is somewhere you don’t know.