"Bianca, tara na, baka mahuli pa tayo." pabulong na sabi sakin ng best friend ko habang natakas sa bahay namin."Sigurado ka bang tama tong ginagawa natin?" tanong ko sa kanya bago pa man kami bumaba mula sa bintana.
"Nandito na tayo eh, aatras ka pa ba?" tanong nya sakin sabay baba ng bintana. "Tumalon ka na, sasaluhin kita." sinunod ko nga ang kanyang sinabi.
Habang kami ay nasa kotse papunta ng house party, pinagpapawisan ako ng malamig. Parang may mali kasi. Parang may masamang kutob ako.
"Uwi na tayo. Parang may mali kasi eh." Hinawakan nya ang kamay ko at nginitian nya lang ako.
Nakadating na kami sa aming pupuntahan.
AT DOON NAGSIMULA NA MAGKANDALECHE-LECHE ANG BUHAY KO.
Isa itong istorya ng isang babae, isang magiging ina, isang anak, isang dalaga, isang disgrasyada. Ito ang istorya ni Bianca. Cause even the damned deserves their story to be told.
