Call Center

85 1 2
                                    

Ako nga pala si Dianne.
Hindi to fiction.
Mga naiisip ko lang to ngayon.
Di rin to lovestory.
---------------
Nakapagtapos ako ng college. Bachelor in Business Teacher Education ang course ko nung college.

Kung di ka familiar, eto yung course ng mga TLE teachers mo.

As of now, hindi pa ako nakakapagLET.

Gusto ko nga ba talaga maging teacher?

Oo. Sobra.

Bakit di ako magturo? Kasi ang hirap naman makapasok sa school na pwede mong turuan. Kailangan ko muna magkaroon ng license.

Ano na ginagawa ko ngayon?

Call center agent ako. Tulog sa tanghali, gising hanggang umaga. Hindi ko naman ginusto na dito ako. Kinailangan lang.

Totoo naman ee. Kaya maraming gusto sa bpo co. Kasi malaki sahod. Totoo. Kaya gusto ko dito.

Masaya. Lalo na pagsahuran na. Malaki nabibigay ko sa parents ko. Malaki pa natitira sakin. Eto rin kinatatakot ko kung bakit parang ayoko pa umalis. Kasi malaki bigayan.

Kung sa pangarap, gusto ko talaga ipush ang pagtuturo. Kaso kailangan maging praktikal.

-----------------

Marami akong namimiss gawin. Dati okay lang na magkasakit at di pumasok sa school. Di hassle kasi di naman kailangan ng med cert.

Okay sa mga kaibigan pag maghahangout kasi halos pareparehas naman ng schedule.

Nakakamiss yung umaga ka gigising, sa tanghali manunuod ng showtime, lahat ng panggabing palabas nasusubaybayan mo.

Walang pasok tuwing holiday. May summer and Christmas vacation pa.

Assignment lang poproblemahin. At exams. Palaaral naman ako dati kaya nakakamiss talaga.

----------------
Pero masakit lang isipin na akala ng marami madali lang ang ginagawa ng isang call center agent.

Ang laki nga ng sahod mo. Pero marami kang namimiss.

"Priorities"

Kahit birthday mo kailangan pumasok lalo na kung di naapprove yung leave mo.

Halos lahat ng celebration kailangan mo magsacrifice, kahit walang tulog, go ka pa rin kasi gusto mong pumunta at ayaw mong masira ang work.

Mahirap talaga. Pero kinakaya.

Ikaw kaya magsorry sa taong first time nyong nakausap, kahit wala ka namang nagawang kasalanan kasi may sira ang service nila. Kailangan mong ipacify kasi trabaho mo yun.

Ikaw kaya matanong ng kung san ka galing at pag sinabi mong Philippines, "ahh that's why" ang sagot. Minanaliit ka, pero di mo magawang sagutin ng pabalang.

Ikaw kaya makipag usap sa mga matatanda para ituro ang paggamit ng computer kahit di mo naman scope of support.

Ikaw kayang mageenglish ng mageenglish ng 7 hours and 30 mins.

Ikaw kaya yung sumagot ng halos 25-40 calls a day. Masaya na nga kung ghost call or misdirect ee.

Ikaw kaya pumasok kahit bumabagyo.

Ikaw kaya mapaenglish lang mayabang na tingin sayo. Ska yung parang bawal ka sa Starbucks.

Ikaw kaya magcall center para maintindihan mong wala naman talagang madaling trabaho. Lahat mahirap pero kakayanin mo kasi may rason ka. Tulad ng halos lahat ng nasa bpo company, ang dahilan ay para sa mga pamilya. Kasi sila ang breadwinner. Kasi sila ang inaasahan.

Pinost ko to kasi gusto ko lang. Hindi ako nagrereklamo na call center agent ako. Masaya ako. Dahil nagtatrabaho ako para sa future ko at para sa pamilya ko.

---------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Call CenterWhere stories live. Discover now