she's Mystery 8

9 1 3
                                    

Somewhere in Palawan -------->>>>>>>>>>>>>>

****

She's Mystery 8

Lumipas ang dalwang araw pero di parin talaga natatapos nina Zai.. Kakeru at ken ang pinagagawa sa kanila ng matanda habang si Iska naman ay sitting pretty nalang dahil wala na ganoong Pinapagawa sa kanya ang matanda






Si zai ay nakatapos na ang isa't kalahating batya ng mga labahan .. Ikaw nalang mismo ang maawa sa kanya dahil nagkasugat sugat nadin ang mga kamay nya. 2 araw na syang naglalaba. Walang tayuan! Hihinto lang sya pag kakain na at ang malupit pa don Pag tanghalian ay gulay ang pagkain..



Katulad ng sinigang sa talbos ng kamote.. kakaiba ang pangalan para sa kanila. Di nila alam kung pano kakainin. Meron ding bangus sa ulam na yon pero kahit anong gawin nila ay no choice sila. Pero nung natikman naman nila ito ay medyo nasarapan naman sila




Nung kinagabihan naman na yon AY ang ulam nila ay Sinampalukan. Si iska ang tagaluto at taga Apoy pero aabutin muna ng 2 oras bago sya makapag apoy kaya talagang gutom na gutom sila bago makakain. ANg masama pa dun! Di pala marunong magluto si iska kaya ang kinalabasan ay napaka-asim.. para kang ngumuya ng di pa hinog na mangga o sampalok na DI pa hinog..










Kinaumagahan naman ay nagSangag o fride Rice sa english si Iska dahil yun ang utos sa kanya ng matanda. At buti nalang ay bumili siya ng Hotdog at itlog para kahit papaano ay makakain naman nila ito kumpara sa mga kung-ano anong pagkain ang nakahanda.... kala nyo napaka dali lang ng ginagawa nya!? Pwes hindi! Dahil madaling araw palang (4:00am) ay gingising na sya ng matanda para maghanda ng makakain.. kaso di naman sanay na gumising ng maaga ang dalaga kaya papungay pungay ito sa pag gising







Pag dating ng dalaga sa Kusina na kawayan nila ay nilagyan nya yung takure ng tubig at pinakuluan .. pero bago yun ay nag apoy muna sya. Sa 2 beses na pagluluto ay ngayon lang nya Natutunan kung pano magpa apoy. .. after nyang pakuluan ang takure ay tulog padin ang diwa nya kaya hinawakan nya ang Hawakan nito kahit nakapikit pa... Ang kaso pagkahawak na pagkahawak nya ay napasigaw agad ang dalaga sa init ng Hawakan




ARAY ANG INIT!!!!!0_0




Nanlalaking matang sigaw nya at napatakbo agad sa kuhaan ng tubig at nilublob duon ang kamay na ngayon ay namumula dahil sa paso. (Sino ba naman kasing tanga ang hahawak sa takure na nakapikit? Bagong kulo pa!?)-- sa isip isip ng matanda dahil nakita nya ang dalaga nung nangyare yun








Kasalukuyan ngayong pagod na pagod si kakeru dahil kakasibak. KAtulad ni zai ay 2 araw na din itong walang tigil kakasibak ng kahoy. Namamaga ang isang daliri dahil nadaplisan sya ng itak .. binalutan lamang ng isang pirasong tela na may kung anong dahon ang kamay nya para di ma-inffection ito.






Sa tambak na kahoy na kanyang Sinisibak ay malapit na rin syang matapos. 3 malalaking Trunk (½) ng puno nalang ang kanyang kailangang tapusin para makapagpahinga naman sya








Samantalang pagod na pagod nadin si ken kakagupit ng mga malalaking Damo! Isipin mo ba naman na ilang ektarya ang kailangan nyang tabasin ng ganon ganon lang!? Imposible! .. pagod na sya at ang mga ilan sa damit nya-ni lolo ay nagkapunit punit na dahil sa maling paghawak nya sa malaking gunting (sorry di ko alam tawag dun ei)







Minsan ng binalak ni kakeru ang tumakas kaso laging nakabantay ang matanda sa kanya marahil ay natunugan sya nito kaya di sya matuloy tuloy sa pag takas at bagsak balikat na sinusunod ang mga utos nito








She's MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon