The Untold feelings

23 1 0
                                    

I know that some people says, 'This story is just a typical one, it's kinda cliché, too boring' and a lot of negative thoughts.

But, It's okay! Haha. Tsaka, alam ko naman na marami ng ganitong story. Nababasa, nakikita o naririnig.

Kaya nasa sainyo na po kung maglalaan kayo ng time para mabasahin ang story ko.

Salamat mo sa makakabasa at salamat din po sa hindi :)

______________________________________

Ako po si Angel..

It's normal to fell inlove with your bestfriend, right?

I don't know when?
I don't know how?
I don't know why?

We started to be friends when were at 1st year highschool.

Niloloko niya ako na crush ko daw yung isang lalaki na classmate namin, which happens to be his buddy.

He's always teasing me everytime he saw me. I don't know but I'm having this kind of feeling na parang 'kinikilig'din.

Meron din time na pumupunta siya sa tabi ko para lang asarin niya ako. Kaya minsan naniinis na din ako sakanya.

Dumating ang araw na tinanong ako mismo nung lalaking 'crush' ko daw kung totoo yung sinasabi niya. I denied it! Then he just smiled and said 'Why are you blushing?' then I was caught of guard.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nahihiya ako. Sa totoo lang wala naman talaga akong crush sakanya. It's my first time na may magtanong ng ganon. As in? Harapan talaga? The reason kung bakit ako nag blush ay dahil nahihiya ako.

Simula ng araw na yun, hindi ko na siya pinansin. Actually, silang dalawa. Sa tuwing makikita at makakasalubong ko siya, agad na akong umiiwas. Umiiwas ako dahil ayaw kong mainis sakanya. Kaibigan ko parin siya kahit papano.

Pero isang araw, kinausap niya yung kaibigan ko na magpunta kami sa library. Sakto naman na may hahanapin ako.

Nagpaalam siya saglit na may pupuntahan. Tahimik akong nagbabasa ng may umupo sa tabi ko. 'Ang bilis mo naman' sabi ko habang nakatingin sa libro.

'Kung hindi pa ako humingi ng tulong kay Myka hindi pa kita makakasama' nagulat ako ng magsalita siya. Tumingin lang ako sakanya at hindi siya pinansin.

Nag umpisa na siyang mangulit ng mangulit sakin. Hindi ko magawang umalis dahil nahihiya ako. Hanggang sa may kunin siya sa bag niya.

I saw a marshmallow, yung malaki. Nainis ako sa kadahilanan na alam niya yung weakness ko. Totoo, makakita lang ako ng marshmallow bibigay na agad ako.

Simula nung magkabati kami, palagi na kami magkasama. Magkasama kaming nagnemeryenda. Magkasama kaming mag lunch. Magkasama kaming nagrereview pag may exam.

Siya lang yung kaisa-isang tao na kayang sabayan yung katopakan ko. Siya yung unang nakaintindi sa pagiging moody ko.

Ako din, sinasabayan ko siya sa mga hilig niya. Billiards, basketball, at maging sa paglalaro ng computer games. Dahil sakanya, naging kaugalian ko na ang paglalaro ng billiards.

Hanggang sa naging mag bestfriend na kami. Pero dumating yung point na nawalan siya ng time sakin dahil nagkaroon siya ng girlfriend.

Nasaktan ako, Oo. Sino ba naman ang hindi, diba? Palagi kaming magkasama tapos bigla nalang magbabago lahat dahil sa isang babae.
Pero inintindi ko nalang, syempre dun siya masaya. Kaya bilang bestfriend niya, susuportahan ko nalang siya.

They broke-up. Bumalik siya sakin. Lahat ng oras niya binigay niya sakin. Bumalik kami sa dati.

Nagkaroon ulit siya ng girlfriend, gaya ng nuon. Nawalan siya ng time sakin. Paulit-ulit nalang yung nangyayari.

The Untold FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon