How Long Will I Love You?

108 8 9
                                    

Play the video at the top for more intense and dramatic reading :)

HER POV

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita" tanda mo ba yang mga linya mo? Yan ang palagi mong sinasabi sakin para ipaalala kung gaano mo ko kamahal. 

Sa tuwing gigising ako, magagandang ngiti ang bungad mo sakin. Minsan natanong kita kung bakit mo ko tinititigan ng ganyan at ang sabi mo "Wala lang! Gusto ko lang matandaan ang maaliwalas at maganda mong mukha" mga katagang nagpapatunay kung gaano ako kaimportante sayo.

Minsan ding nasugatan ako at mabilis mong binigyan ng lunas sabay sabi ng mga katagang "Mag iingat  ka kasi!Paano kung wala ako? Paano yang sugat mo?Ayokong masaktan ka!" nakakatawang pinapagalitan mo pa ako ng mga panahong yan.

Eh yung mga panahon na pinagbabantaan kita na sasaktan kita? Na iiwan kita? Tanda mo ba yung sinabi mo noon? "Okay lang, alam ko naman na di mo yan gagawin eh! Kasi mahal mo ko" napakaconfident mong sabi.

Yung mga panahon ring nakita mo ko na may kasamang iba, pero imbes na magalit ka at sigawan ako pag uwi di ka kumibo. Naglakas loob ako na iopen yung topic na yun tinanong kita kung ano naramdaman mo at ang sabi mo lang "Okay lang ako, masaya ako kasi atleast di lang ako yung taong nagpapasaya sayo,, pero alam ko naman na mas mahal  mo ko" mga katagang nagpakonsensya sakin.

Nung panahon din galit na galit ako sayo dahil gabi ka na umuwi at wala man lang ni isang txt akong natatanggap galing sayo,muntik ko na ring mabato sayo yung vase. Naalala mo ba kung ano ginawa mo? Ngumiti ka lang at di man lang umilag sa ibabato ko sana sayo, medyo nainsulto ako noon pero di ko inaasahan yung sinabi mo "Mamimiss ko ang itsura mong yan sa tuwing nagagalit ka, sige na ibato mo na yang vase, alam ko naman na sa ibang direksyon mo yan itatapon eh, tiwalang tiwala ako dun" sobray ung tiwala na binibigay mo noon saakin.

Hindi mo ko maiwan iwan kahit na alam mong may butas ang puso ko, kahit alam mo na kahit kelan pwede na akong mawala sa mundong ito.

Ganyan mo ko kamahal.

Ganyan ako kaimportante sayo.

Ganyan mo ako pinagtitiwalaan.

Minsan naisip ko di ka ba napapagod sakin? Di ka ba nagsasawa? Pero wala eh ganun mo ko kamahal. Samantalang ako wala akong ibang ginawa kundi bigyan ka ng sakit ng ulo. 

Mahal na mahal mo ako.

Pero bakit ganito ? Bakit mo ako kinalimutan? Bakit binabalewala mo na lang ako? 

Masakit marinig ang mga katagang "Sino ka?" "Kilala ba kita?" mga paulit ulit mong sinasabi sakin ngayon. 

Masakit din para saakin na sinasaktan mo ko physically at mas lalo na yung emotionally. Nasaan na yung sinabi mong kapag andyan ka di ako masasaktan? Paano na yung sinabi mo kung ikaw mismo ang nanakit sakin?

Bakit mo ko kinalimutan?

Bakit mo ko sinasaktan?

Bakit pilit mo akong tinataboy sayo?

Hanggang kelan ka magkakaganyan? Hanggang kelan mo ko balak na kalimutan ngayon pa na alam ko na sa sarili ko na sobrang mahal na kita.

Oo nga pala! May sakit ka rin! Alzheimer's disease. Sakit na nakakapagwala lahat ng alaala. Hindi mo yan sinabi sakin noon. Bakit? Bakit di mo sinabi sakin? Akala ko ba pinagkakatiwalaan mo ko? Paano  mo nagawang ilihim ang ganyang kakumplikadong sitwasyon? Bakit? Bakit? Paulit ulit kong tanong sayo.

Kaya pala palagi mong ipinapaalala kung gaano mo ko kamahal para palagi kong matandaan.

Kaya pala palagi mong tinititigan ang mukha ko para di mo makalimutan.

Kaya pala ngumingiti ka lang kapag nagagalit ako sayo dahil baka isang araw di mo na ako makitang magalit man lang sayo.

Kaya pala okay lang sayo na may ibang nagapapasaya sakin dahil alam mong balang araw malulungkot ako.

Kaya pala. Kaya pala!

Pero kahit na kalimutan mo ako, kahit na saktan mo at kahit na paulit ulit mo akong ipagtabuyan di ako lalayo sayo, di ako magsasawang alagaan ka, di ako magsasawang mahalin ka. Yan naman ang ginawa mo sakin noon diba? Di mo ko iniwan kahit na makulit ako. Kaya ko din yang gawin kasi sobrang mahal kita.Pero mali ako! Maling mali kasi hindi ako kasing tapang mo. Hindi ako kasing tatag mo. 

Nung gabing yun, yung gabing gusto na kitang sukuan alam mo ba kung anong dahilan nun? Binato mo ko ng vase tumama yun sa balikat ko, napaiyak na lang ako noon. Pero di ko inaasahan yung sinabi mo na nagpatatag ng loob ko. "Sorry! Huwag ka ng umiyak. Sorry na! I Love You, Sorry" sinabi mo yan habang niyayakap mo ako. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ko ulit ang mga katagang yan na nanggaling sa bibig mo. Dahil doon, mas lalong tumatag ang loob ko, Lalo kitang inalagaan kahit isip bata ka na. Mahal kita eh.

Pero yung pag aalaga ko sayo bigla mong binitawan simula noong iniwan mo ko.

Nawawala ka. Oo kasalanan ko isinaman kasi kita sa lugar kung saan mo ko madalas dalhin. Halos mabaliw ako nung di kita mahanap hanap. At nung nakita kita pupunta na sana ako sayo kaso may humaharurot na sasakyan na papunta sakin. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko noon, akala ko ito na yung katapusan ko.

Pero mali ako! Mali nanaman ako! Bigla mo kong tinulak palayo sa sasakyan at ikaw nanaman ang umako ng aksidenteng dapat ay saakin. Nakita kita na nakabulagta sa daan, lumapit ako sayo, pilit akong humuhingi ng tulong noon para makaligtas ka pero bigla mong hinigit ang kamay ko para pigilan sabay sabi ng "Mahal kita! Mahal na mahal na mahal. Nakalimutan man kita pero hindi nito nakalimutan na mahalin ka" sabi mo sabay turo sa dibdib mo kung saan nandoon ang puso mo. Yan din ang mga katagang huli kong narinig mula sayo nung bawian ka ng buhay.

Pero di lang yan ang huling ginawa mo. Binigay mo sakin ang puso mo. Ikaw pala yung donor ng puso na ipapalit saakin, at matagal na yung nakaplano. 

At ngayon nasa akin ang puso mo, at ipinapangako ko na aalagaan ko ito hanggang sa huling hininga ko. Mahal kita , mahal mo ako, mahal natin ang isa't isa.   

Mahal kita!

Pero iniwan mo ako!

Hanggang kelan? How long will I love you? 

Isa lang ang sagot ko dyan! Mananatili, habang buhay , hanggang sa huling hininga ko ay hindi hindi Patuloy kitang mamahalin...... Ganyan kita kamahal.


AUTHORS NOTE

Hayyy! Sana naman nabigyan ko ng hustisya ang storyng to .. May kasunod pa po to .. His Side naman.. 




How Long Will I Love You?Where stories live. Discover now