His POV
Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Sa may rooftop. Umiiyak ako nun kasi iniiwan na ako ni mama. Tanda mo ba yung mga sinabi mo? "Hoy! Wag ka ngang magpakamatay. Maraming pwedeng solusyon sa mga problema mo, wag ka ngang tanga diyan, sinasayang mo lang ang binigay na buhay ng panginoon" sabi mo sakin sabay hawak sa braso ko na ikinagulat ko. Alam mo bang balak sana kitang suntukin nun, kasi naman kung makakapit ka at di lang yan ginulat mo pa ako, muntik na akong mahulog. Wala naman akong balak magpakamatay eh.
Sisigawan na sana kita kaso di ko inaasahan ang sinabi mo "ako nga! halos wala ng saysay ang buhay ko dito pero patuloy pa rin akong lumalaban, alam mo ba na wala na akong mga magulang at ang mas malala pa may butas ang puso ko anytime soon pwede na akong mawala sa mundo" sabi mo kasabay ng pagpatak ng luha mo. Di ko lubos maisip kung paano mo nagagawang magkwento sa mga taong ngayon mo pa lang nakita.
"Wala na si mama, iniwan na niya ako. iniwan na ako ng taong mahal na mahal ako" di ko na rin mapigilan na magkwento sayo nun. Ewan ko ba kung bakit o kung anong meron ka. Siguro nahawa na rin ako sa kadaldalan mo kaya ganito.
"Alam mo. Di ka naman niya iniwan eh. Babantayan ka pa rin niya. Sabi sakin ni mama yung tao raw na namatay na kung talagang mahal siya mananatili siya sa puso ng tao na nagmamahal sa kanya kaya parang di rin siya iniwan nito. Nakabantay lang siya palagi, minamanmanan ka at patuloy kang mamahalin." sabi mo sabay ngiti. Sa mga ngiti mong yun parang gusto kitang yakapin, gusto kitang alagaan kasi nakikita ko sa mga mata mo na sa kabila ng mga ngiti mong yan may mabigat kang dinaramdam.
Simula noon naging magkaibigan na tayo. gustong gusto na kita palaging makita.
Gusto ko makita yung mga ngiti mong yun.
Gusto kong sabayan ka sa paglaban sa sakit mo.
Gusto kita protektahan.
At sa di inaasahan nahulog na ang loob ko sayo nun. Mahal na kita.
Nagsimula na akong ligawan ka at di rin nagtagal sinagot mo ako. Alam mo bang sobrang saya ko nun ng sagutin mo ako. God knows how happy i am.
Palagi na tayong magkasama halos di na nga tayong magkahiwalay na dalawa eh. Ganun natin kamahal ang isa't isa.
Kaso halos gumuho yung mundo ko ng bigla kang sinugod ng sa hospital.
Pero akala ko yun na yung magpapaguho ng mundo ko. Hindi pala kundi yung sinabi mo sakin. Tanda mo pa ba? "Maghiwalay na tayo. Ayoko na. Ayoko na. Palala na ng palala ang sakit ko. Tapusin na natin to." yun, yung nagpabagsak ng mundo ko. Pero syempre di ako pumayag. tanda mo rin ba yung mga sinabi ko ? "Mahal kita, hindi ako papayag. Sasabayan kita n alabanan yang sakit mo. huwag mo lang akong hihiwalayan. At isa pa diba sabi mo mahalaga ang buhay? Wag kang matakot na lumaban" giit ko sayo.. Pero alam mo yung sagot mo? Yun yung mga salitang mas lalong nagpatibay ng loob ko. "Hindi, hindi ako takot mamatay, ang kinatatakot ko yung taong iiwan ko sa mundong to, nakita ko kung paano ka nasaktan sa pagkawala ng mama mo. Ayaw kong ulilitin mo yun. Mahal kita eh" yang mga katagang yan ang mga salitang nagpatatag sakin. Nagpapatatag satin.
Nakalabas ka na ng ospital, di tayo nagkahiwalay, patuloy pa rin tayong nagmahalan. Masaya tayong nagsasama. Kaso sadyang malupit ata talaga ang kapalaran natin. Nalaman ko na may sakit ako, sakit na namana ko sa mama ko. Alzheimer disease. Una nagalit ako kasi bakit? Bakit kung kelan pa ako sumaya saka naman nagkaganito? Pero naalala kita, naalala ko kung paano ka lumaban sa sakit mo. Kaya ito pilit ko ring nilalabanan ang sakit ko.
Alam mo bang nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sayo kaso mas pinili kong wag ipaalam sayo dahil dun sa sinabi mo, tanda mo pa ba? "Alam mo. Di ko alam ang gagawin ko pag ikaw ang nawala" yan yung mga katagang nagtulak sakin na wag ipaalam sayo kaya mas pinili kong itago sayo.
VOCÊ ESTÁ LENDO
How Long Will I Love You?
ContoLOVE! Apat na letra na may may malalim na dahilan. Mahal ko siya, mahal niya ako, mahal namin ang isa't isa. At gawain ng nagmamahalan ang huwag kalimutan ang isa't isa.. PERO! Paano kung makalimutan niya ako? Paano kung iwan niya ako? Paano kung ma...