Meeting 1

9 0 0
                                    

Anim na Magkakaibigan........

Pumasok sa isang eskuwelahan na puno ng gulo......
Nagbago ang lahat nung dumating sila.......

The Populars ba kamo?.......
Naku.....ang sabihin niyo The Lovers........

                        Kami nga pala ang MALIYA Group.....
                        At walang makakapigil samin......
_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_
Lycah's POV
Nag enroll kami sa PALAD Highschool at ang sabi daw nila ay puno ng gulo sa school na yun.Kung puro gulo yung nandun edi masaya,kasi dadating na ang grupong hindi niyo mapipigilan.

"Guys,excited na ba kayo bukas?"tanong ni Yonah,yung pinaka friendly at animal lover samin.

"Medyo kinakabahan ako,baka kasi puro bullies doon eh"sagot ni Angelica,ang pinaka shy at mabait sa amin.

"Kaya nga PALAD Highschool kasi..Puro Asungot Lang Ang Doon" sagot naman nitong si Maria,ang pinaka sweet sa amin.

"so ibig sabihin Asungot tayo?"sabi ko at talagang diniinan ang pagkasabi ng Asungot.

"Iba ang ibig sabihin ng letter A pag satin"sabi ni Maria.

"Ano?"sagot ko.

"Adorable!"sabi niya.

"Ano yun..Puro Adorable lang ang doon?"bigla naman sagot ni Alria,ang smart at masungit sa amin.

"Akala ko ba matalino ka?,syempre i-eenglish yung meaning nun,edi All Adorable Are In There" sabi ni Maria at patalon-talon sa kuwarto.

"Corny niyo kamo,ang ibig sabihin nun Public And Literal Age Development"sabi ni Ivanna,ang pinaka maganda sa amin.

"Bakit may Age?,ibig sabihin ba nun,titignan kung tumatanda ka?"sagot ko.

"Hula ko lang yun"sabi ni Ivanna.

"Hay,ewan"sabi ko at nagsuot ng earphones at pinatugtog ang paborito kong kanta.Mga ilang minuto lang ay may kumatok sa pinto.Dinilat ko ang mga mata ko pero wala sila sa kuwarto.Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala talaga sila.Tumayo ako at lumabas ng pinto,bumaba ng hagdan at nakita ko silang nagsisik-sikan sa pinto.Tinangal ko ang earphones at sumigaw.

"Ano bang pinagkakaguluhan niyo dyan!?"sigaw ko.

"May dumating na package eh,pero natatakot kami baka bigla na lang kami saksakin nung lalaki"sabi ni Angelica.

"Excuse nga muna"sabi ko at binuksan ang pinto.Nakita ko ang lalaki na may hawak na package at iniabot niya ito saakin.Nakita kong may parang matulis at kumikinang sa loob ng jacket niya pero di ko na pinansin yun.Kinuha ko ang package at nagtanong.

"Sino ang nagpapabigay nito?"tanong ko.

"Secret po"sabi nung lalaki.

"Huh?,anong secret?,sabihin mo na"sabi ko habang yung lima naman ay nasa likod ko.

"Sabi  po ni Sir Secret ay ibigay yan sa inyo dahil bagong lipat po kayo sa Subdivision na ito,sabi rin po ni Sir Secret na sana ma-enjoy niyo yung lugar na ito"sabi nung lalaki.

"Secret,secret,secret,puro ka secret,pinaglololoko mo ba ako?!,secret ka ng secret para namang naiintindihan ko yang sinasabi mo,sino ba kasi yang secret na yan?!"sigaw ko sa kanya.

ZigZag WaysWhere stories live. Discover now