Lycah's POV
Nilapitan ko si Alria at kinalabit yung lalaki sa harap niya."Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?"tanong ko sa kanya.
"Wala akong ginagawa kaya tumabi ka"sabi niya at hinawakan ang braso ko at hinila ako paalis sa daan.~Eh nakakainis pala tong lalaking to~.
"Wala kang karapatan na saktan ang isang babae"sabi ko at tinulak siya.Mukhang nagalit yung lalaki at tinignan ako ng masama.Ngumiti lang ako sa kanya.
"Bagay sayo kuya"sabi ko sa lalaking naka sombrero.
"Lang hiya ka!,wala kang karapatan na itulak ako,dahil mababa lang ang posisyon mo dito"sabi niya.
"Wala pang mga posisyon dito dahil wala pang botohan"sabi ni Alria.~talino talaga~.
"Wag kang sumabat"sabi nung lalaki.
"Walang basagan ng trip"sabi ko sa kanya at nag kabit-balikat.
"Nakakaasar ka na talaga ah!"sigaw niya at susntukin ako pero umiwas ako at sinampal ang braso niya.Nagulat siya at ang mga lalaki sa likod.
"Pare,hindi ko aakalain na nakaiwas pa ang babae sa suntok mo"sabi nung isang lalaki habang nainom ng juice.
"Manahimik nga kayo!"sigaw nung naka sumbrero.Susuntukin na sana niya ulit ako pero biglang may nagsalita sa speaker.
"Good Morning,Special Section,kayo lang ang nakakarinig ng mga ito.Pumunta agad sa guidance sina Jordan,Llamas at Portalejo.Meron tayong paguusapan na importante".sabi nung principal.Nagtinginan ang mga kaklase ko sa lalaki na nakaupo,Kay Alria at dun sa Aliyo.Hinawakan ni Aliyo yung kamay ni Alria at lumabas ng room~Yung lalaking yun talaga~.
Alria's POV
Pumasok kaming tatlo sa guidance at napakasama ng aura nung dalawang lalaki.Hinigpitan ko ang hawak sa damit ni Aliyo para,kung baka sakali na magkaroon ng away."May nagsabi sa akin na nagkagulo sa library kanina,nakita daw kayong tatlo na nag-aaway"sabi nung principal.
"Silang dalawa lang po,hindi ako kasama"sabi ko.Bigla namang sumigaw yung Jordan.
"Nauna siyang sumuntok!"sigaw nung Maniyak.
"Ginawa ko yun para iligtas si Alria,masyado ka kasing bastos"sabi ni Aliyo na nakatayo na.
"Ako pa ngayon eh ikaw nga ang unang nanuntok!"sabi ni Jordan.~talagang pinaglalaban yung suntok~.
"Tama na yan"sabi ng principal at umupo naman si Aliyo.
"Ikaw iha,sabihin mo saakin ang mga nangyari"sabi nung guidance.
"Ganito po kasi............,Nag-aaral po ako sa library para sa Quiz Bee nung biglang dumating si Jordan,Binabastos niya po ako at hahalikan na sana pero bago po mangyari yun,dumating po si Aliyo at sinuntok si Jordan"sabi ko at tumingin sa principal.Nararamdaman ko ang pagtitig nung dalawa sa akin.Tinuloy ko ang kwento at baka mag-away pa yung dalawa.
"Dun po sila nagsimula magsuntukan,nung una po hindi ako makaharang kasi baka masuntok ako pero nakahanap ako ng pagkakataon athumarang sa gitna nila,nagbanta po si Jordan na babalikan pa niya si Aliyo dahil hindi pa sila tapos"sabi ko at huminga.
"Nagkusa na po ako gamutin ang sugat ni Aliyo kasi kapag nag-clinic po kami,nakakahiya po kasi pagtitinginan kaming mga tao"sabi ko.Tumingin ang principal sa dalawang lalaki.
"Totoo ba ang sinabi niya?"tanong ng principal.
"Opo"sabay nilang sagot.~Kahit papaano nagkabati sa sabay na pagsagot~.
"Ayoko nang maulit ang mga ganitong pangyayari,naiintindihan niyo ba"sabi ng principal.
"Opo"sabay-sabay naming sagot at pinabalik na sa room.Pagkabalik namin ay nakatingin sa samin ang mga kaklase namin.Umupo ako at uminom ng tubig.~Kinabahan ako dun~.
YOU ARE READING
ZigZag Ways
Teen FictionAnim na magkakaibigan.......... Pumasok sa isang eskuwelahan na puno ng gulo........ Nagbago ang lahat nung dumating sila.......... The Populars ba kamo?...... Naku.....ang sabihin niyo,The Lovers.......... Kami nga pala ang MALIYA group......... At...